Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 196 Pinoy namatay sa Kuwait (Mula 2016) — OWWA
196 Pinoy namatay sa Kuwait (Mula 2016) — OWWA

196 Pinoy namatay sa Kuwait (Mula 2016) — OWWA

UMABOT sa halos 200 Filipino ang namatay sa Kuwait mula noong 2016 dahil sa usaping medikal habang ang iba ay nagpasyang tapusin ang kanilang buhay.

Sa talaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 155 ang namatay sa dahilang medikal, 14 ang binawian ng buhay dahil sa aksidente, 22 ang nagpakamatay , at lima ang hindi pa batid ang dahilan.

Ibinahagi ito ng OWWA sa pagdinig sa Senado kaugnay sa pagkamatay at pagkakadiskobre sa labi ni Joanna Demafelis sa loob ng freezer sa Kuwait, pati ang deployment ban sa naturang bansa.

READ MORE:  Kahit kaluluwa isasanla ni Digong kay Satanas (Para sa OFWs)

Ayon sa ulat, domestic helper si Demafelis ng mag-asawang Lebanese at Syrian na nanirahan sa Ku­wait. May dalawang linggo na ang nakalilipas nang matagpuan ang labi ng Filipina sa freezer sa apartment na iniwan ng mag-asawa.

Nawalan ng ugnayan ang pamilya ni Demafelis sa biktima noong 2016 hanggang i-report nila sa mga awtoridad na nawawala.

READ MORE:  OFW sa freezer nalamog sa bugbog (Base sa awtopsiya)

Kabilang sa ulat ng OWWA sa taon 2017, ang 1,549 bilang ng minaltratong overseas Filipino workers ng kani-kanilang amo.  Habang 65 Filipino ang naitalang hinalay at 243 ang inabusong seksuwal.

Nauna nang iniulat ng mga awtoridad sa Kuwait na ‘isolated case’ ang nangyari kay Demafelis.

Inihayag ni Senator Cynthia Villar, kailangan rebisahin at baguhin ang mga panuntunan ng pamahalaan ng Filipinas upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.

READ MORE:  4 MPD officials sinibak ni General (Sa lotteng bookies ni Boy Abang)

Tinalakay rin sa pagdinig ang “kafala” o sponsorship na tinukoy ni Presidential Adviser on OFW and Muslim Concerns Abdullah Mama-o, na dapat nang ibasura maging ang mala-pagong na pagtugon ng mga opisyal ng Filipinas sa mga nawawala, inaabusong OFW, at iba pa nilang suliranin habang nasa ibang bansa.

(JAJA GARCIA)

 

 

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved