Categories: Showbiz

The Significant Other, tinutukan ni Mayor Roque

Share

HALOS lahat ay binati si Mayor Enrico Roque dahil sa ganda ng The Significant Other na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Erich Gonzales sa isinagawang premiere noong Martes ng gabi sa Trinoma Cinema.

Masayang-masaya si Mayor Roque, isa sa producer ng Cineko Productions, dahil naging maganda ang outcome ng sobrang pagod, pagtutok sa production, at pagpupuyat para matapos ang pelikula.

Sa sandaling pakikipaghuntahan namin sa mayor ng Pandi, Bulacan, naikuwento nito kung paano siya naging hands-on sa production side ng pelikula.

Bagamat aminadong hindi naman ganoon kalawak ang kaalaman sa technical side sa paggawa ng pelikula, ibinabase niya ang kanyang dunong sa mga napapanood na pelikula, local man o foreign.

Naikuwento pa ni Mayor Roque, blessings in disguise ang hindi nila pagkakasali sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil mas napaganda pa at naipasok ang mga suhestiyon ng magaling na direktor na si (RIP)Maryo J. delos Reyes.

Aniya, natuwa si Direk Maryo nang mapanood ang The Significant Other kaya marami itong itinurong technique kung paano pa lalong mapapaganda ang pelikula.

“Siyempre may mga suggestion kami kay Direk Joel Lamangan na galing din kay Direk Maryo. ‘Yung mga long shot ni Direk Joel, may ibinigay kami na mas maganda sigurong gawing close-up at naging maganda naman,”sambit pa ng mayor.

Buong pagmamalaki ring naikuwento ng magaling na mayor na suhestiyon niya ang naging ending ng The Significant Other. Ang ending dapat ni Direk Lamangan ay tanging si Tom ang makikita sa closing. Pero ang nangyari, tag-iisang frame ang tatlo na parehong umalis na nakakotse sina Lovi at Erich at masaya namang nagmumuni-muni si Tom.

“Hindi ba mas maganda ang lumabas?!” anang mayor. ”Inihabol talaga namin ‘yung dapat sabay na sabay ‘yung pag-alis ng sasakyan nina Lovi at Erich tapos ‘yung frame ni Tom,” dagdag kuwento ni Mayor Roque.

Sa kabuuan, maganda ang The Significant Other dahil hindi ito tulad ng mga napapanood nating agawan ng asawa na maingay, away dito, away doon, at maraming dakdak. Dito, ayon nga kay Mayor Roque, sosyal na agawan ng asawa dahil hindi bulgar o maingay.

Matino rin ang pagkakadirehe ni Lamangan at dapat ding palakpakan ang writer nito dahil magaling ang pagkakasulat.

Palabas na sa 170 cinema ang The Significant Other sa kasalukuyan handog ng Cineko Productions at ipinamamahagi ng Star Cinema.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

Excitement ni Jimmy, sinalag ni Angel

ANO kaya ang pinagmulan ng galit o nag-trigger kay Jimmy Bondoc para mag-post siya ng tungkol sa isang malaking TV network na… Read More

13 hours ago

Nadine, maka-3-in a row kaya?

SA darating na 35th PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa June 2, 2019 sa Resorts World Manila, nominado si Nadine Lustre for Movie… Read More

13 hours ago

Aiko, back-to-back ang nominasyon

SI Aiko Melendez ay nominado rin sa Star Awards For Movies para sa Best Supporting Actress category para sa pelikulang Rainbow’s Sunset, na gumanap siya bilang isang… Read More

13 hours ago

Ms. Rhea Tan, umapaw ang ligaya sa idolong si Ms. Korina Sanchez

NAGPAHAYAG nang labis na ligaya ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan nang nakadaupang palad ang… Read More

13 hours ago

Dante Salamat, Best Public Service Awardee ng Gawad Pasado 2019

PINARANGALAN si Dante Salamat sa nakaraang Gawad Pasado 2019 bilang Best Public Service awardee 2019. Si Dante ay isang entrepreneur, coach mentor,… Read More

13 hours ago

10 movie icons pararangalan sa 3rd Eddys (Mga bayani sa likod ng kamera, kikilalanin sa ‘Parangal sa Sandaan’)

SAMPUNG nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)… Read More

13 hours ago