Thursday , November 13 2025
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales
The Significant Other Lovi Poe Tom Rodriguez Erich Gonzales

Lovi, Tom at Erich, magagaling sa TSO

IISA ang narinig naming komento ng mga nakapanood ng pelikulang The Significant Other mula sa Cineko Productions na distributed ng Star Cinema, idinirehe ni Joel Lamangan, ”ang galing nina Lovi (Poe), Tom (Rodriguez), at Erich (Gonzales). Ang gaganda ng mga dialogo nila.”

Oo nga, naalala namin ang mga pelikula noong araw na gawa ng Viva Films, Regal Films, at Star Cinema at iba pang film outfit na pawang nagmamarka ang mga linya ng mga bida sa pelikula.

Sikat na ramp model si Lovi pero nawala ng ilang taon dahil nag-asawa kay Tom na isang cosmetic at dermatologist surgeon at may isa silang anak na lalaki.

Limang taon silang nanirahan sa Amerika, pero bumalik din at itinuloy dito ni Tom ang pagiging doktor at nagtayo ng sariling clinic.

At dahil mahal ni Lovi (Maxene) ang pagmo-model kaya gusto niyang bumalik na sakto naman dahil nakita siya ng ad agency na pinagtrabahuan niya noon at muli siyang inalok sa isang show.

Probinsiyana naman si Erich (Nicole) at idol niya si Maxene (Lovi) na halos lahat ng pictorial ay ginagaya ng una at nangakong darating ang araw na magiging sikat din siya kaya halos lahat ng beauty contest sa probinsiya nila ay sinasalihan ng dalaga.

Hanggang isang araw ay isa sa hurado ng beauty contest na sinalihan ni Nicole (Erich) ang staff ng ad agency ni Maxene (Lovi) na si Morri (RS Francisco) at binigyan siya ng calling card kaya tuwang-tuwa ang una.

Nagustuhan ng boss ni Morri si Nicole (Erich) at dahil malaki ang birthmark ng huli sa kaliwang leeg ay pinapunta kay Tom para ipatanggal ito hanggang sa nagkagustuhan sila at nagkaroon ng relasyon.

Walang alam si Nicole (Erich) na si Tom ay asawa ni Maxene (Lovi) na kaibigan niya kaya nang magkaalaman ay talagang sampalan to death ang nangyari sa mismong araw ng fashion show nila ni Avel Bacudio na ginampanan naman ni Ricci Chan na markado ang role.

Gustung-gusto namin ang tarayan ng dalawang bidang babae dahil may class pa rin lalo na ang linya ni Morri (RS), ”o, mag-usap kayo ha, huwag ninyong sirain ang mga mukha n’yo dahil nakakontrata pa ‘yan (ad agency).”

Hindi na namin ikukuwento ng buo ang The Significant Other dahil mas magandang panoorin ito at nakakuha ng Graded B sa Cinema Evaluation Board at R-13 naman sa MTRCB.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Dingdong Dantes MRT

Dingdong pinagkahuluhan pagsakay sa MRT

MA at PAni Rommel Placente SUMAKAY ng MRT si Dingdong Dantes. Pero hindi dahil nagmamadali siya, gusto …

Matt Lozano Ysabel Ortega Celyne David Althea Ablan SRR Evil Origins

Matt Lozano ‘di gumamit ng impluwensiya  para makapag-artista 

HARD TALKni Pilar Mateo TAONG 1984 nang magsimulang manakot ang Regal Films ng matriarka nitong si Mother Lily …

Ryza Cenon family

Ryza Cenon babu na sa pagpapaseksi 

MATABILni John Fontanilla WALA ng balak gumawa ng proyektong nangangailangan ng seksing eksena  si Ryza Cenon dahil na …

Dr Jennifer Boles sa Gawad Pilipino Awards

Dr. Jhen Boles Gawad Pilipino awardee 

MATABILni John Fontanilla MULING tatanggap ng bagong parangal si Dr. Jennifer Boles sa Gawad Pilipino Awards 2025 bilang isa …

Nadine Lustre Sarsa

Nadine ibinahagi istorya sa viral picture na may hawak na sarsa

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang guesting sa Ang Walang Kuwentang Channel nina Direk Antoinette Jadaone at JP Habac, …