Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis at Toni, iimbitahan ni Ogie (para magturo)
Luis at Toni, iimbitahan ni Ogie (para magturo)

Luis at Toni, iimbitahan ni Ogie (para magturo)

ISA kami sa naimbitahan ni Ogie Diaz sa bagong tayo niyang Ogie Productions: Meerah Khel Studio na katabi ng kanyang tahanan sa 46 Sct. Madrinan, Diliman, Quezon City. Extension iyon ng kanyang acting workshop na isinasagawa niya sa kanyang opisina sa Tomas Morato.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Papa Ogs (tawag namin kay Ogie), inihanda niya ang pagpapatayo ng naturang tanggapan para sa nalalapit na Summer Workshop na daragdagan niya ng voice lessons at hosting bukod sa isinasagawang acting workshop.

“Tatlong taon ko nang ginagawa ito. Noong una anim pa lang ang estudyante namin hanggang sa naging walo, sampu. Ngayon, 16 na ang workshopper naming na ginagawa ng magagaling na actor tulad nina Aiko Melendez, Rohn Morales, Lester Lansang, Candy Pangilinan at Beverly Vergel.

READ MORE:  Pagkakaisa ng mga Filipino at pagbawi sa Sabah, Ipinanawagan

“Sa events and hosting naman, ang facilitator namin kukunin ko sina Bob Novales (nagvo-voice over sa ASAP), MJ Felipe para sa TV, at Loi Villarama para naman sa event hosting.

“Crash course lang ito kaya inaalam pa naming kung gaano kahaba ang ilalaan sa events workshop,” paliwanag ng magaling na komedyante.

READ MORE:  Alex, sobrang bilib sa pagdidirehe ni Fifth

Ayon kay Ogie, naisasama niya sa mga guesting sa teleserye at ibang show sa ABS-CBN ang ilan sa mga sumasailalim sa Ogie Diaz Acting Workshop kapag nakitaan niya ng potensiyal.

“Ito (pagkasama sa teleserye) na bale ýung pinaka-certificate nila o diploma. Kaya kung hindi kita naibu-book sa mga show, ibig sabihin, workshop pa more.”

Gustong imbitahan ni Ogie sina Luis Manzano at Toni Gonzaga para sa hosting lesson.

“Iimbitahan ko pa lang sila kasi nakakahiya naman kung wala silang oras. Pero nagsabi na sila sa akin na  gusto nila mag-giveback. Gusto nila mag-share ng kanilang knowledge sa kaunting panahon. Masarap din kasi ang feeling na nakakapagbigay ka ng inputs,” paliwanag ni Ogie.

READ MORE:  Winwyn, sa Miss World Philippines naman sasali

Kaya sa mga interesado sa acting, hosting, at event workshop, mag-enrol lamang sa Ogie Diaz Acting Workshop na mayroon silang fan page nito o mag-email sa [email protected]. Ito ay bukas para sa 7-12 years old para sa acting kids workshop at ang teens naman ay 13-40 years old.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved