Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Teen actress, ‘di feel na kinukuyog ng fans
Teen actress, ‘di feel na kinukuyog ng fans

Teen actress, ‘di feel na kinukuyog ng fans

INIREREKLAMO ng maraming faney ang teen actress na ito na halatang bad trip sa tuwing hihilingan siyang mag-selfie.

Himutok nila, ”Gasino lang naman ba ‘yung oras na kakainin sa pagpapa-selfie sa fans niya, ‘no! Kaso, ang malditang hitad, laging nakaangkla sa kalabtim niya, ayaw humiwalay. Kaya paano nga naman magpapa-selfie sa kanya ‘yung mga faney niya?”

Natiyempuhan din ng mga pobreng fans na nakaismid pa ang bagets actress, obvious na ‘di niya feel na kinukuyog siya ng mga mismong umiidolo sa kanya.

READ MORE:  Misis ni komedyante, proud pa sa ginawang pagtataksil
READ MORE:  Male newcomer, dumami ang Japanese client dahil sa ginawang scandal sa internet

“Pero ang the height,” pagpapatuloy ng aming source, ”eh, ‘yung kiyeme-kiyemeng may kausap siya sa cellphone para hindi nga naman siya malapitan. Eh, obvious namang wala siyang kausap, ‘no! Hay, ayaw na namin sa kanya!”

Da who ang teen actress na ito mula sa isang labtim na hindi makaungos-ungos sa iba pang mga tambalan? Itago na lang natin siya sa alyas na Blanca Mali-mali.

READ MORE:  Panghahalay ng mga bading na photog, ‘di na bago

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved