Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?
Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?

Masama bang kuwestiyonin si Makati BPLO chief Atty. Maribert Pagente?

DELAYED reaction ba si Makati City Business Permits and Licensing Office (BPLO) chief, Atty. Maribert Pagente nang halos 12-buwan bago niya kami idinemanda?!

Sensitibo ba siya?! Ang tagal naman, inabot halos ng isang taon?! O baka naman mayroong nagsulsol?

O baka hindi niya masagot-sagot ang tanong namin kung bakit ‘yung dalawang insurance company na nasa pinto ng kanilang tanggapan ang nagtatakda ng akreditasyon sa iba pang insurance company?!

READ MORE:  Media binastos ng ogag na guwardiya ng MIAA-Admin

‘Yun lang naman ang tanong natin kaya nagtataka tayo kung bakit ang tagal bago nag-react si Atty. Pagente?!

Mula Enero 2017 hanggang Enero 2018 ay ni hindi nagtangka si Atty. Pagente na magpaliwa­nag kung bakit ‘yung dalawang insurance company na nasa pinto ng tanggapan niya ang nagtatakda kung sino ang insurance company na bibig­yan nila ng kreditasyon.

E ‘di ba, private insurance company rin ang Stronghold Inc., at Sterling Inc.? Bakit sila nga?!

READ MORE:  Korean fugitive Ku Ja Hoon, ‘pinalaya’ sa lakas ng padrino sa Palasyo At BI

Ganoon lang naman kasimple ang tanong ng inyong lingkod para sa kapakanan ng mga nagtatanong na mamamayan, pero imbes na sagot, subpoena ang natanggap namin?! Subpoena para sa asuntong Libel.

Wattafak!

Wala na ba talagang umiiral na kalayaan sa pamamahayag?! Sa social media na lang ba may freedom of speech na nababansagan pang luklukan o kanlungan ngayon ng fake news?!

READ MORE:  Laman ng hinukay na pozo negro sa Pasay City hall itinambak sa press office

Sonabagan!

Well, Atty. Pagente, welcome to the club!

Welcome to the club of sensitive government employees and officials na ayaw na ayaw masasaling o matatanong ang mga iregularidad na ‘starring’ sila.

Hope to see you soon.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved