Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kumusta Ka, naka-8-M hits dahil sa Sharon-Gabby commercial
Kumusta Ka, naka-8-M hits dahil sa Sharon-Gabby commercial

Kumusta Ka, naka-8-M hits dahil sa Sharon-Gabby commercial

KUNG nagiging usap-usapan ang commercial ng isang fast food chain na ginawa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang mas matindi roon ay iyong mahigit sa walong milyong hits na nakuha ng isang music video na inilabas nila sa internet para sa commercial na iyon.

READ MORE:  IC, balak tapatan si Ricky Lo ng Startalk

Ang ginamit na music ay iyong Kumusta Ka, na ginamit noong araw hindi sa isang Sharon-Gabby movie kundi sa isang pelikula ng megastar na  kasama niya si FPJ. Nag-duet pa nga sila ni FPJ sa kantang iyan eh. Iyan lang din ang kantang kinanta ni FPJ nang mag-guest siya sa TV show ni Sharon. Noon lang pumayag na mag-guest sa TV show si FPJ, at kumanta pa. Dahil ginamit nga sa music video roon sa commercial, muling sumikat na naman ang kanta. Isipin ninyong marinig ulit iyon ng walong milyong tao sa loob lamang ng ilang araw?

READ MORE:  Asia‘s Next Top Model 1st runner up Jodilly Pendre, ayaw mag-showbiz
READ MORE:  Max Collins, game magpa-sexy sa movies!

Panalo ang yumaong composer na si Willy Cruz at ang lyricist ng nasabing kanta na si Baby Gil.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved