Sunday , September 19 2021

Kelot malubha sa saksak ng holdaper

MALUBHANG nasugatan ang isang 42-anyos lalaki makaraan pagsasaksakin ng dalawang hindi kilalang mga holdaper sa Caloocan City, kamakalawa.

Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Dodius Reyes.

Sa imbestigasyonn ni PO1 Dorald Cuyangon, dakong 2:30 am, naglalakad ang biktima sa EDSA pero pagtapat sa SOGO hotel ay biglang inagaw ng mga suspek ang kanyang backpack.

Pumalag ang biktima kaya pinagsasaksak siya sa likod ng isa sa mga suspek.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek habang ang biktima, bagama’t sugatan ay nagawang makapunta sa MCU Hospital para malapatan ng lunas.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Michael Yang, Pharmally, DOH, PS-DBM,

‘Taya’ ni Yang sa Pharmally ‘pitik’ sa P42-B pandemic funds ng DOH

AALAMIN ng mga senador kung ang P7-B ipinautang umano ni dating presidential economic adviser Michael …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *