Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xian, pinagnasaan ng mga estudyante; ‘Chubby abs’ ni Elmo, pinanggigilan
Xian, pinagnasaan ng mga estudyante; ‘Chubby abs’ ni Elmo, pinanggigilan

Xian, pinagnasaan ng mga estudyante; ‘Chubby abs’ ni Elmo, pinanggigilan

GOING back to Sin Island ay word of mouth ang nangyari kaya pinilahan ito kinagabihan hanggang nitong Huwebes at Biyernes lalo na sa mga nasabik sa sexy films.

Yes  Ateng Maricris, narinig naming pinag­kukuwentuhan ang eksena nina Xian at Nathalie sa Sinilaban Island o Sin Island na all out ang sexy star.

Ang daming nagnasa kay Xian na estudyante, yes estudyante ang narinig naming nagkukuwentuhan at talagang nakapasok sila considering mga high school students sila at R-16 ang pelikula kaya hindi namin alam kung paano sila pinapasok sa sinehan.  Hindi na namin babanggitin kung anong sinehan ito pero sigurado kami dahil nandoon kami sa mall na iyon.

READ MORE:  Robi, blessings ang mga pagsubok na dumarating

Hindi namin puwedeng sitahin ang takilyera na hindi nanghingi ng ID at birth certificate ng mga estudyante dahil hindi pa naman ini-renew ang MTRCB Deputy Card  namin, kaya sana ‘yung ibang may deputy card, pakibantayan ang mga mall na madalas tambayan ng mga mag-aaral.

READ MORE:  Bela, nahuling may iba si JC

Samantala, may nakita naman kaming pamilyang nanood ng My Fairy Tail Love Story na pinagkukuwentuhan nila habang kumakain sila ng dinner na nakasabay namin sa isang restaurant.

Nag­de-debate ang tatlong dalagitang anak na pinag-uusapan ang pagiging sirena ni Janella na dapat bumalik sa pagiging tao sa ending ng movie. Sabi naman ng isa pang anak na binago kasi ang kuwento at say naman ng medyo bata pa, ”I luv it, especially Elmo, I like his chubby abs.”

Ha, ha, ha may bagong term tayong natutuhan ateng, ‘chubby abs.’

Kaya simula ngayon, ang magiging tawag na namin sa mga lalaking puro baby fats ay chubby abs na.

READ MORE:  Star Cinema employees, bongga ang Pasko dahil sa KathNiel

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved