Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bela, nahuling may iba si JC
Bela, nahuling may iba si JC

Bela, nahuling may iba si JC

DAHIL sa nasaksihan niyasa amang nakikipaghali kan sa ibang babae nang dalawin niya sa trabaho ito ng kanyang kabataan, nag-iba ang pananaw ng bidang karakter sa MMK (Maalaala Mo Kaya) na gagampanan ni Bela Padilla ngayong Sabado, Pebrero 17, sa Kapamilya.

Ang pagiging malapit sa ama ay nasugatan sa nasabing insidente. Pero sa kalaunan, ang binatang si Gio na gagampanan ni JC Santos ang magpapabago ng lahat.

READ MORE:  Pamilya nina Maya at Ser Chief, maghihirap?

Masigasig ang binata sa kanyang panliligaw kaya nakuha niya ang loob ng dalaga. Kaya naman ang dati’y takot umibig, in a relationship na.

Taon din ang itinakbo ng kanilang pagsasama at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hong Kong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairy tale na sana ang lahat hanggang sa madiskubre ni Karla na may nilalandi na palang iba si Gio.

READ MORE:  Titigan nina Mark at Shy sa Tasya Fantasya, nakakikilig

Paano kaya tinanggap ni Karla ang ginawang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

Ang kasamang gaganap nina Bela at JC sa episode ay sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Heaven Peraleja, Sophia Baars, at Chienna Filomena.

READ MORE:  Istorya ni Papa Ahwel, pinili ni Ms. Charo para itampok sa MMK

Ang episode ay mula sa direksiyon ni Nuel Naval at panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna.

Muli bang patitibukin nina Bela at JC ang mga pusong naka-miss na sa pagsasama nila sa eksena?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

 

 

 

 

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top