Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Xin Nian Kuai Le, Kiong Hee Wat Chai!
Xin Nian Kuai Le, Kiong Hee Wat Chai!

Xin Nian Kuai Le, Kiong Hee Wat Chai!

HAPPY New Year! Wishing you prosperity and good fortune…

‘Yan po ang ibig sabihin ng dalawang pagbati na ‘yan.

‘Yung Kiong Hee Wat Chai, ‘yan po ‘yung madalas banggitin na Kung Hei Fat Choi. ‘Yung una po ang tama.

Sanayin na po ninyo ang tamang pagbati.

Anyway, ngayong araw po ang unang araw ng Chinese New Year of the Earth Dog.

READ MORE:  Number coding suspendido ngayong Chinese New Year

Marami ang nagsasabi na mabait at mapagbigay ang sagisag na ito sa iba pang Chinese zodiac.

Siguro dahil ang aso ay man’s best friend.

Pero sabi nga, ang kapalaran ng tao ay hindi suwerte o malas. Ito ay nasa pagsisikap ng bawat isa kaagapay ng masinop na pag-iingat sa pinagkakakitaan o hanapbuhay.

Wish lang natin na sana’y ganoon din kabuti ang kapalaran sa kasalukuyang gobyerno nang sa gayon ay umangat ang kabuhayan ng marami nating kababayan.

READ MORE:  Ang matagal pero paulit-ulit na pandaraya ng Globe Telecom sa kanilang subscribers

Sana ‘yung mga tinatawag na oligarch ay huwag nang masyadong angkinin ang yaman. Ibahagi naman nila ito sa ilang maliliit na negosyanteng gustong umangat at nakatutulong rin sa iba.

Higit sa lahat, huwag po nating kalimutang magdasal at magpasalamat sa Poong Maykapal na siyang nagbibigay sa atin ng puspos, liglig, at umaapaw na biyaya.

READ MORE:  Trese na po kami!

Muli, Xin Nian Kuai Le! Kiong Hee Wat Chai sa inyong lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved