Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / MRT spare parts dumating na
MRT spare parts dumating na

MRT spare parts dumating na

UMAASA si Senadora Grace Poe na maiibsan nang kaunti ang paghihirap ng mga pasahero ng MRT 3 makaraan iulat ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdating ng unang batch ng nabiling spare parts para sa mga sirang train.

Bukod dito, kompiyansa si Poe na mayroong komprehensibong plano ang pamahalaan para ayusin ang serbisyo ng MRT 3 para sa mga pasahero.

READ MORE:  2 maintenance vehicles ng MRT nagbanggaan, 6 sugatan

Ayon kay Poe, buo pa rin ang tiwala niya sa pamahalaan na isasaalang-alang at titiyakin na walang buhay ang mala-lagay sa panganib.

READ MORE:  Binatilyo, 5 pa sugatan sa hit & run

“Nagpapasalamat tayo sa DOTr sa pagkakaroon ng puso para sa daan libong pasahero ng MRT-3, lalo sa mga may kapansanan, matatanda, buntis at ang mga pasaherong umuuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa kagustuhang mapabilis ang kanilang biyahe dahil sa tindi ng trapik sa Metro Manila,” ani Poe

READ MORE:  Mamasapano report naisumite na ng BOI sa PNP

Pinayohan ni Poe ang DOTr na dapat matiyak na maipagkakaloob sa kompanyang mayroong sapat na kaalaman at kapasidad ukol sa railway operation, ang maintenance ng MRT 3.

(NIÑO ACLAN)

COMMENTS

About Niño Aclan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved