Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / ‘Wag sanang paasa ang DOTr
‘Wag sanang paasa ang DOTr

‘Wag sanang paasa ang DOTr

DARATING na raw ang mga piyesa na kakailanganin para maayos ang mga tren ng MRT 3 na naging pasanin ng bawat pasahero nito sa mga nakalipas na taon.

Ang mga piyesa ay ay manggagaling daw sa Germany, China at ilan pang bansa mula sa Europa.

Dahil dito, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa hindi lamang ang mga pasahero ng MRT kundi ang mga opisyal ng Department of Transportation na maya’t maya ay bugbog-sarado mula sa mga pagbatikos ng bayan dahil sa kanilang pagiging inutil.

READ MORE:  Brgy. Capt. Busabos ang tingin sa media

Ngayon pa lang ay umaasa na ang marami na mawa­wakasan ang walang humpay na aberya at giginhawa na rin ang pagbiyahe ng mga daan-daang libong pasahero.

Ang tanong lang ay kung gaano ba katiyak ang pamahalaan natin ngayon na ang mga kinontratang kompanya mula sa iba’t ibang bansa na magsusuplay ng kinakailangang piyesa ay maa­yos, compatible o akma sa naglolokong train system? Baka gaya na naman ‘yan ng nakaraang administrasyon, na matapos bumili ng napakaraming bagon, ay nakatengga lang at hindi napakinabangan. Huwag naman sana.

READ MORE:  Tameme ang grupo ni Noynoy

Lubos tayong umaasa ngayon na masosolusyonan nang tuluyan ang malaking problemang ito sa MRT. Sa sandaling pumalpak na naman, sino ba ang laging apektado at talo? Siyempre, walang iba kundi ang ating maliliit na mamamayan o pasahero na umaasa sa epektibong mass transportation na kanilang inaasahan na maghahatid sa kanila papasok sa trabaho at pauwi sa kani-kanilang tahanan.

READ MORE:  Mabuhay ka BOC Comm. Bert Lina!

Huwag sana tayong umasa sa wala.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved