Categories: Showbiz

Nadine at James, panay ang tukaan

Share

HINDI lahat ng mga nakapanood na ng maikling pagsilip sa pelikula nina Nadine Lustre at James Reid ang nagagalak makita ang ilang mga tagpo roon.

Katwiran, lalong-lalo na ng mga konserbatibo pa rin sa ating millennial na panahon, puro tukaan lang naman ang mga eksena. Hindi kaya all throughout the movie ay ganito rin lang ang mapapanood ng publiko?

Para sa amin ay way past their teenage status na sina Nadine at James. Kahit ang teleserye nila noon ay malayo sa mga pa-tweetum na palabas kung ikukompara sa mga programa nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, Liza Soberano, at Enrique Gil.

Ang kina Nadine at James is one step beyond, na nag-mature na rin sila. At saka kataka-taka pa bang mas daring na ang JaDine ngayon considering na kahit naman sa totoong buhay ay liberated ang tingin nila sa mundo?

Among the present loveteams, ang JaDine lang naman ang nagpauso ng kawalan ng big deal o malisya sa live-in setup. So, nagiging consistent lang sila with the type of films na nilalabasan nila.

To top it all, teaser lang ‘yon na tumatakbo ng ilang minuto. Malinaw na pangiliti lang ‘yon para maengganyo ang mga manonood.

Dahil teaser nga lang ‘yon, hindi roon necessarily iikot ang buong kuwento, much less hindi puro laplapan lang ang masasaksihan from beginning to end.

Baka porno naman kasi ang ine-expect ng fans, puwes, naglipana ‘yon sa mga lansangan sa Maynila, ‘yun na lang ang pagtripan nila!

(RONNIE CARRASCO III)

Ronnie Carrasco III

Published by
Ronnie Carrasco III

Recent Posts

Boses pang-international ang dating Marion Aunor kompositor rin nina Sharon at Jaya

MULTI-TALENTED talaga ang daughter ni Maribel Aunor na si Marion Aunor. Kapag siya’y kumanta puwedeng ikompara sa mga sikat na… Read More

14 mins ago

Cong. Niña Taduran isinulong ang Media Workers’ Welfare Bill

TUTULDUKAN na ang pang-aabuso sa mga taga-media kapag naging ganap na batas ang Media Workers’ Welfare Bill. Tiwala si ACT… Read More

38 mins ago

John Rendez, inspirado sa bagong single na Not Superman

ITINUTURING ni John Rendez na malaking bahagi ng kanyang buhay ang musika. Parang kulang ang pagkatao ni John kapag hindi siya… Read More

51 mins ago

P15-B pondo ng PhilHealth hindi nawala — Gierran

HINDI nawawala o napunta sa katiwalian ang P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at 92 porsiyento nito’y… Read More

53 mins ago

‘Pimples’ ng apo naglaho sa Krystall Herbal Powder; kuntil sa kili-kili kusang nawala sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Victoria Balane, taga-Ilocos Norte. Ipatotoo ko po sa Krystall Herbal Powder napakabisa… Read More

59 mins ago

Blended learning kaysa paglabas ng bahay pagtuunan (Isko sa mga bata)

KASABAY ng pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi muna papayagan ang mga bata na lumabas ng bahay… Read More

1 hour ago