Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine at James, panay ang tukaan
Nadine at James, panay ang tukaan

Nadine at James, panay ang tukaan

HINDI lahat ng mga nakapanood na ng maikling pagsilip sa pelikula nina Nadine Lustre at James Reid ang nagagalak makita ang ilang mga tagpo roon.

Katwiran, lalong-lalo na ng mga konserbatibo pa rin sa ating millennial na panahon, puro tukaan lang naman ang mga eksena. Hindi kaya all throughout the movie ay ganito rin lang ang mapapanood ng publiko?

Para sa amin ay way past their teenage status na sina Nadine at James. Kahit ang teleserye nila noon ay malayo sa mga pa-tweetum na palabas kung ikukompara sa mga programa nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, Liza Soberano, at Enrique Gil.

READ MORE:  Apreal, nag-concentrate na sa negosyo; pag-aartista isinantabi muna

Ang kina Nadine at James is one step beyond, na nag-mature na rin sila. At saka kataka-taka pa bang mas daring na ang JaDine ngayon considering na kahit naman sa totoong buhay ay liberated ang tingin nila sa mundo?

READ MORE:  Miho, kinikilig pa rin kay Tommy kahit 1 taon na ang kanilang relasyon

Among the present loveteams, ang JaDine lang naman ang nagpauso ng kawalan ng big deal o malisya sa live-in setup. So, nagiging consistent lang sila with the type of films na nilalabasan nila.

To top it all, teaser lang ‘yon na tumatakbo ng ilang minuto. Malinaw na pangiliti lang ‘yon para maengganyo ang mga manonood.

READ MORE:  Pagsasama nina Ate Vi at Nora, ‘di totoo

Dahil teaser nga lang ‘yon, hindi roon necessarily iikot ang buong kuwento, much less hindi puro laplapan lang ang masasaksihan from beginning to end.

Baka porno naman kasi ang ine-expect ng fans, puwes, naglipana ‘yon sa mga lansangan sa Maynila, ‘yun na lang ang pagtripan nila!

 (RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved