Tuesday , November 4 2025

INC leader itinalagang special envoy ni Duterte (Para sa OFWs)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eduardo Villanueva Manalo bilang Special Envoy of the Pre­sident for OFWs concerns.

Epektibo ang kanyang appointment mula 30 Enero  2018 hanggang 29 Enero 29, 2019.

Inaabangan ng publiko kung ang pagtatalaga kay Manalo bilang Special Envoy ng pangulo ay tatanggapin at babasbasan ng buong INC.

Ayon sa isang political observer, tila may “impropriety” sa pagtanggap ni Manalo ng puwesto sa gobyerno lalo na’t may separation of the Church and State provision sa Philippine Constitution at ang isang religious group ay inaasahang “neutral” sa usaping politika.

Habang si Herman Billones Jumilla ay bagong undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Si Jumilla ang kapalit ng dating usec ng DBM na si Gertrudo de Leon na una nang sinibak sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Mahigit 20 personalidad pa ang itinalaga sa puwesto ng pangulo sa DILG bilang mga director at operations officers, habang 16 ang mga bagong government prosecutor.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Angas Libreng Sakay FEAT

Libreng sakay ng DOTr, MMDA, at Angkas, hanggang 5 Nobyembre

NAGSANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kasama ang ride-hailing …

QCPD Quezon City

Sekyu todas sa  rider

DEAD ON THE SPOT ang 32-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng isang ‘di kilalang …

LTO Ferrari

Driver walang lisensiya
Ferrari walang palaka kinompiska ng LTO

BUNGA nang patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanyang laban …

Marilaque SUV INARARO 6 MOTORSIKLO

Sa Marilaque Highway
SUV INARARO 6 MOTORSIKLO 3 SUGATAN

INARARO ng rumaragasang sport utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang call center agent ang …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Cavite
4 binatilyo minolestiya; 2 nang-abuso inaresto

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos ang pangmomolestiya sa apat na binatilyo at pagkuha ng video …