Categories: Showbiz

Bagong movie ng JaDine, true-to-life

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

PARANG true-to-life sa buhay mismo nina Nadine Lustre at James Reid ang istorya ng forthcoming film nilang Never Not Love You.

Nag-release na ang Viva Entertainment sa ilang TV networks at sa social media ng unang teaser para sa pelikula na may mge eksenang kinunan sa Italy.

Ayon sa report ng CNN online, na nagbalita tungkol sa trailer ng pelikula, mag-sweetheart sina Nadine at James sa istorya, at isang araw ay basta nagpasyang mag-live in.

‘Di nga ba’t matagal nang pinagsususpetsahang nagli-live-in ‘yung dalawa? Kaya nga walang kamalay-malay si Nadine na depressed na depress na ang younger n’ya na nag-suicide dahil hindi na nakatira si Nadine sa family house nila.

“Come live with me!” romantikong sambit niyong character ni James kay Nadine matapos nilang magpa-tattoo sa mga braso nila ng “you & me” at “ikaw at ako.”

Sa next scene sa teaser, naglalakad na ‘yung dalawa sa corridor ng isang condominium. May yakap-yakap ng malaking bag si Nadine.

Papasok sila sa unit ni James, tuloy-tuloy sa bedroom, hihiga sila sa kama, at magsisimulang maghalikan ‘yung dalawa na nakadamit pa. Sa actual movie, posibleng tuloy-tuloy sa isang passionate lovemaking ang eksenang ‘yon.

“Nadine Lustre, James Reid get touchy-feely in teaser of new movie,” ang titulo ng online report sa cnnphilippines.com.

Two minutes lang ang haba ng teaser, ayon pa sa CNN news. Galing sa You Tube ang kopya ng teaser na ipinakita ng CNN sa report nila.

Ulat ng CNN: ”The rest of the two-minute clip shows possible scenarios if the couple lived together, as Reid narrates the pros of his idea, hoping to convince Lustre to say yes.

“Its YouTube description says the film is about young lovers who tried to build a life together until career opportunities sent them out of the country.”

Ang Never Not Love You ay isinulat at idinirehe ni Antonette Jadaone, who is best known for her heart-wrenching romance drama films That Thing Called Tadhana (2014), English Only, Please (2014), The Breakup Playlist (2015), and Love You to the Stars and Back (2017).

Naidirehe na noon ni Jadaone sa television sina James si Nadine. Ito ay sa On The Wings of Love at sa Till I Met You noong 2016.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Danny Vibas

Published by
Danny Vibas

Recent Posts

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction… Read More

1 hour ago

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid… Read More

12 hours ago

Miggs Cuaderno, espesyal ang natanggap na regalo

SA August 8 ang 16th birthday ni Miggs Cuaderno at maraming fans niya excited makita kung paano ito ipagdiriwang ng actor. May… Read More

12 hours ago

John may hugot — ‘Pag wala ka na palang pera at ‘di na sikat, isa-isa nang lumalayo ang mga kaibigan, kamag-anak

NAIKUWENTO ng may karamdamang actor na si John Regala ang nararamdamang kalungkutan. Nasabi ni John na kapag pala hindi ka na sikat at… Read More

12 hours ago

Tagasubaybay ni Coco, nagbunyi

PARA-PARAAN lang talaga ang buhay-showbiz. Kailangan gumawa ng paraan kapag may problemang napapasukan. Sino ang makapagsasabing ang inakala ng iba… Read More

12 hours ago

Elijah Alejo, na-excite sa muli nilang pagsasama ni Katrina Halili

BAGONG episodes muli ang mapapanood sa Sabado sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.   Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis… Read More

12 hours ago