Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon at Gabby, gagawa ng commercial
Sharon at Gabby, gagawa ng commercial

Sharon at Gabby, gagawa ng commercial

MAGSASAMA na ulit sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pero bago kayo kiligin, hindi pa sa pelikula iyan ha. Isang commercial lang  ang kanilang gagawin. Hindi pa pala pelikula iyon. Pero kung gagawa na nga sila ng commercial, baka pelikula na ang kasunod.

READ MORE:  Pambato ng Mr and Ms Olive C 2015, palaban!

Siyempre ang unang kinilig sa pagsasama nila ay ang kanilang anak na si KC. Pero hanggang saan nga ba aabot ang kanilang tambalan? Baka pagmulan pa iyan ng intriga eh, tiyak na magiging apektado ang asawa ni Sharon. Isipin ninyo ang popularidad ni Gabby ngayon dahil sa kanyang serye sa telebisyon, tapos iyong medyo tagilid na popularidad naman ni Senador Kiko dahil sa kanyang partido.

READ MORE:  Pagsasama nina Sharon at Kris sa pelikula, inaabangan
READ MORE:  Basher na nagbanta kay Alden Richards, hinahanap na ng NBI

Sigurado babalansehin iyan ni Sharon, dahil aminin naman natin na siguro umaasa na rin siya ngayon sa tambalan nila ni Gabby para malaman kung siya nga ba ay bituing magniningning ulit.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved