Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Paolo, muling bibida sa Amnesia Love
Paolo, muling bibida sa Amnesia Love

Paolo, muling bibida sa Amnesia Love

“I WANT a good film na worth ‘yung pagod.” Ito ang tinuran ni Paolo Ballesteros matapos manalo ng Best Actor award sa Tokyo Film Festival at Metro Manila Film Festial kaya naman gusto niyang magpatuloy sa paggawa ng pelikula.

Kaya ngayong Pebrero, muling matutunghayan si Paolo sa handog ng Viva Films, ang Amnesia Love sa isang karakter na naghahanap ng kanyang tunay na katauhan.

READ MORE:  Paolo, type maka-intimate sina Piolo at Mark sa pelikula

Itoý idinirehe ni Albert Langitan, na nagsimula bilang scriptwriter, hanggang sa nagdirehe ng reality shows at teleserye gaya ng Impostora at Super Ma’am.

Kaya sa pagsasama nina Langitan at Ballesteros sa kanilang  pagkamalikhain at dedikasyon sa trabaho, nakabuo sila ng isang laugh-out-loud na pelikula na mahirap kalimutan.

READ MORE:  Angeline, nakipagsabayan kina Manoy Eddie at Manang Susan

Kasama rin sa pelikulang ito ang sweet at  seksing ni Yam Concepcion  na unang nakilala sa 2012 adult drama, Rigodon na idinerehe ni Erik Matti.

Ang Amnesia Love ang maituturing na reunion film nina Paolo at Yam. Una silang nagkasama sa 2016 blockbuster movie, Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! kasama ang Kapuso star na si Dennis Trillo at ang Princess of All Media na si Anne Curtis. 

READ MORE:  Maegan, wala nang makain kaya nilalantakan ang pagkain sa taping?

Bukod kina Paolo, Yam, Lander Vera Perez, at Maricel Morales, kasama rin sa pelikula sina Polo Ravales, Vandolph Quizon, Geleen Eugenio, at Sinon Loresca. Mapapanood ang Amnesia Love sa mga sinehan simula Pebrero 28.

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved