Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis, tao ring nasasaktan
Luis, tao ring nasasaktan

Luis, tao ring nasasaktan

HINDI na bago sa pandinig ang ginagawang pagpatol ni Luis Manzano sa kanyang bashers, kung paanong there’s nothing new sa netizens na nagsasabing daig pa ng TV host-actor ang walang pinag-aralan.

To begin with, nagtapos si Luis sa College of St. Benilde (ng DLSU). That makes him a person na mayroong edukasyong dapat lang niyang ipagmalaki.

Iilan lang ba ang mga artistang nakukuhang tapusin ang kanilang kolehiyo once kumita na ng malaki mula sa kanilang showbiz work? Well, Luis is one of them lang naman.

READ MORE:  Mariel, ‘di takot mawalan ng career (Sa pagtungo nilang mag-asawa sa Spain…)

Sang-ayon kami sa sinasabing tao rin naman tulad nating lahat si Luis. Nakakaramdam ng human emotions tulad ng pagkatuwa, pagkainis, pagkabago, pagkalungkot, at kung ano-ano pa.

Kung pinapatulan man ni Luis ang kanyang bashers, normal na reaksiyon lang ‘yon kung paanong mangangagat din ang isang nananahimik na tao kapag natapakan mo.

READ MORE:  Kris, nagbalik-The Buzz; Janice at Mina, wala nang show sa Dos

May kasabihang, “Respect begets respect.”

Kung marunong rumespeto ang isang tao sa kanyang kapwa—mapa-kilos man o pananalita—ay babalik din ang inaasahan niyang paggalang.

Can Luis be faulted sa kanyang pagpatol kung binabastos na siya ng ilang netizens, bagay na hindi naman niya deserve?

READ MORE:  Nora, ‘di nang-indyan ng shooting ng Tuos

Okey lang ang pagsasapubliko ng opinion, pero big No para sa amin ang panlalapit just for the sake na makapanlait lang kahit pamemersonal na ngang maituturing ‘yon.

Sinuman ang may santong krus sa dibdib ay magmimistulang halimaw kapag sa ganoong sitwasyon na siya nasasadlak.

Klaro?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved