Friday , August 14 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Joven, nami-miss din ang trabaho sa magazine
Direk Joven, nami-miss din ang trabaho sa magazine

Direk Joven, nami-miss din ang trabaho sa magazine

NOONG launching ng self titled album ng Clique V, nakakuwentuhan namin ang matagal na naming kaibigan, na dating magazine editor, naging director ng pelikula, at ngayon ay composer na ring si Joven Tan. Bukod pa iyan sa kanyang pagiging isang restaurateur. Composition niya kasi ang tatlo sa anim na kantang kasama sa unang album ng Clique V. Siya rin ang nagdirehe ng mga music video na ginawa ng grupo.

Pero natawa lang kami nang aminin niya sa amin na minsan, nami-miss din niya ang trabaho namin noong araw. Naalala pa pala niya iyong halos imposible na nagawa namin sa mga magazines na hawak niya noon. Iyon naman ay nasa pagtutulungan talaga ng staff. Pero ngayon, happy naman siya sa pagiging director kung minsan, composer kung minsan, restaurant owner din, dahil sinasabi nga niya, hindi mo maaasahang hanapbuhay ang showbusiness lamang.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top