Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ang Probinsyano, ‘di pa tatapusin (mga artista naka-block hanggang July)
Ang Probinsyano, ‘di pa tatapusin (mga artista naka-block hanggang July)

Ang Probinsyano, ‘di pa tatapusin (mga artista naka-block hanggang July)

HINDI totoong matatapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin ngayong Pebrero na ilang beses naming nasulat dahil ito ang narinig namin noong nakaraang taon.

Naklaro namin ito nang makausap ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal sa nakaraang celebrity screening ng Meet Me In St. Gallen nitong Martes ng gabi.

READ MORE:  Lance Raymundo, thankful na maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano

Nagtatakang sabi sa amin ni sir Deo, “Ha? Wala naman kaming sinasabing magtatapos na, saan mo narinig?”

Sabay sabing, “basta ang mga artista sa ‘Probinsyano’ naka-block sila hanggang July, alam nilang lahat ‘yun. Ang dami pang mangyayari, abangan mo.”

Kung marami pang mangyayari ay ibig sabihin maraming papasok na bagong karakters at tinanong namin kung sino-sino.

READ MORE:  Spainhour, ‘di pinalad sa Mr. World

“Oo mayroong mga bago pero hindi ko sasabihin sa ‘yo kasi isusulat mo,” pabirong sagot sa amin ng TV head.

Naisip din naman namin na paano tatapusin ang isang programa na mataas ang ratings at maraming pumapasok na ads? Alangang ihinto mo ito gayung kumikita naman.

READ MORE:  Apat na shows ng Dreamscape Entertainment nangangabog sa ratings game

Kaya sa mga patuloy na sumusubaybay ng Ang Probinsyano, tuloy pa rin ang ligaya sa panonood nito pagkatapos ng TV Patrol.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved