Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak
Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak

Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak

NADUGTUNGAN pa ang kuwentuhan namin ni Sunshine Cruz nang magka-chat kami ulit noong isang araw. Sinabi niya na nagdesisyon siya na sa pagbabalik niya matapos ang isang medical procedure sa kanyang mata sa US, ay haharapin nang husto ang kanyang career at magtatrabaho na nang husto.

“Wala na yata akong time para sa therapy pagkatapos niyon,” sabi pa ni Sunshine.

Ang dahilan ay dahil naiisip niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Puro babae pa naman, at gusto niyang masiguro na magiging maganda naman ang kanilang buhay,

READ MORE:  Pagpapakasal ni Shintaro kay Gozon, masyadong tahimik

“Hindi ka naman laging malakas. Salamat na nga lang sa Diyos at hindi ako nawawalan ng trabaho simula noong mag-comeback ako. Sunod-sunod talaga eh. Iyong mga endorsement namang ginagawa ko marami ring dumarating pa. Sa ngayon ok naman ang kinikita ko, pero ang buhay namin, hindi naman laging ganyan.

“Hindi mo alam kung isang araw pagkagising mo iba na ang sitwasyon. Tanggap naman naming lahat na ganoon ang showbusiness. Minsan hindi ka na uso. Iba naman ang papasok. Iyon ang isang bagay na pinaghahandaan ko na rin. Paano ang mga anak ko kung nasa ganoong sitwasyon na ako. Kaya minsan sinasabi ng iba, masyado naman akong matipid, aba eh kailangan eh, alam naman ninyo single parent ako.

“Dumating na rin ako roon sa point na nagsawa na siguro ako sa iniisip kong may makatutulong pa ako sa mga anak ko. Ngayon gusto ko na lang isipin na pananagutan ko ang kinabukasan ng mga anak ko na walang ibang inaasahan. Pagod na ako sa ganoon eh.

“Magagawa ko namang mag-isa eh, bakit pa ako aasa sa iba,” ang pagkukuwento ni Shine.

READ MORE:  Sunshine Cruz, swak na swak bilang endorser ng Century Tuna
READ MORE:  Coco, mula sa pagiging indie film actor, producer na ngayon!

Oo nga naman.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved