Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 7 tiklo sa droga (Sa Caloocan)
7 tiklo sa droga (Sa Caloocan)

7 tiklo sa droga (Sa Caloocan)

ANIM katao ang nahuli ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa pagsalakay sa isang bahay na hinihinalang drug den, habang isa pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto nang matiyempohang nagnanakaw ng bisikleta sa EDSA, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod, nitong Lunes.

Nakompiska sa suspek na kinilalang si Fer­nando Gregorio, ng Novaliches, Quezon City, ang 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang P30,000 ang street value.

READ MORE:  CEBPAC, CEBGO flights inilipat

Natiyempohan uma­no ng mga tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) ang suspek na nagnanakaw ng bisikleta sa sa nabanggit na lugar dakong 10:00 am kaya kanilang inaresto.

READ MORE:  Goons ni Recom kalaboso

Ngunit nang kapkapan ng mga awtoridad ay nadiskobre ang ilegal na droga sa kanyang bulsa.

Iniharap ng DPSTM si Gregorio kay Mayor Oscar Malapitan na agad ipinatawag si Caloocan City chief of police, Senior Supt. Jemar Modequillo upang i-turn-over ang suspek.

READ MORE:  Mass wedding sa Butuan City iniliban (No. 44, Friday 13th iniwasan)

Samantala, dakong 9:00 pm nang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. 73 ang live-in partners na sina Jomari Lascano, 25, at Kristine Macala, 22, kasama ang apat suspek sa kanilang bahay na sina Aaron Colaste, 19; at C-Jhay Javier, 18; at dalawang lalaking menor-de-edad. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)

COMMENTS

About JUN DAVID / ROMMEL SALES

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved