Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ilang kandidata sa Miss Caloocan, may kahawig na mga artista
Ilang kandidata sa Miss Caloocan, may kahawig na mga artista

Ilang kandidata sa Miss Caloocan, may kahawig na mga artista

UMAASA ang kasalukuyang pamunuan sa likod ng ika-67 Miss Caloocan 2018 na higit na magiging masigla’t makulay ang taunang timpalak-kagandahan na ito.

Naging produkto ng pageant—na limang taon na palang idinaraos sa ilalim ng panunungkulan ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan—sina Angel Locsin (Colmenares in real life), Aubrey Miles, at Mitch Cajayon na dating Congresswoman ng lungsod.

READ MORE:  Nadine Lustre, mas marami pa ring endorsement kompara kay Maine

Ang Miss Caloocan ay pinamamahalaan ng Cultural Affairs Tourism Office (CATO) sa pakikipagtulungan sa Caloocan Cultural and Tourism Foundation (CCTF).

Dalawampu’t anim na kandidata mula sa 188 barangay na sumasakop sa makasaysayang siyudad ang maglalaban-laban muna sa pre-pageant, pero ang coronation night ay gaganapin sa February 24 sa bagong City Sports Complex.

Eere ito live sa TV5.

Sa ginanap na media presentation sa Bulwagang Katipunan (sa third floor sa bagong gusali ng munisipyo), rumampa’t ipinakilala ang lahat ng mga nagsisigandahang dilag. Kasabay nito’y ang pag-iikot ng isang pageant staff para kunin mula sa press attendees ang kanilang choice.

READ MORE:  Bagong sangay ng G-Force Dance Center sa Alabang, bukas na

Pero nilinaw ng produksiyon na sinuman ang lumabas na most voted among the members of the media ay walang bearing sa actual pageant. Special award ang ipagkakaloob nila whoever that candidate might be anyhow.

READ MORE:  Sino sa 26 kandidata ng Ms Caloocan 2018 ang susunod sa yapak ni Angel Locsin?

Pansin lang namin na maraming kahawig na artista ang mga kandidata, lalo na mula sa aming puwesto malapit sa kanilang dressing room.

Karamihan sa kanila ay may dating sa malapitan. Aminin n’yo ‘yan, Mayor Malapitan!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved