Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)
DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)

DFA consular office sa Aseana bukas na kada Sabado simula 10 Pebrero 2018 (Kailan ibababa ang P1,200 bayad sa passport?)

MAGBUBUKAS na raw tuwing Sabado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana simula sa Sabado, 10 Pebrero 2018.

Ang Consular Office po ay ‘yung kuhaan ng passport.

‘Yan ay para raw maaresto ang lumalaking backlog sa applications at issuance ng passport.

READ MORE:  Good Riddance Comelec ‘3M Division’ (I-Lifestyle check na ‘yang mga ‘yan!)

Isa ito sa magandang hakbang ng DFA.

Pero sa  totoo lang, ang hinaing ng mga kababayan natin ay pabilisin ang proseso at is­suance ng passport. At higit sa lahat, babaan ang presyo.

Mantakin naman ninyo, nagbabayad ang mga Filipino ng P1,200 para sa pasporte para lang mapanis sa pag-a-apply at paghihintay na mailabas ang kanilang dokumento?!

READ MORE:  Bagong DFA Secretary pinuri ang mga nagawa ni Cayetano sa DFA

Subukan po ninyong pumasyal sa Aseana, makikita ninyo ang mga kababayan natin na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) ay nakapila hanggang sa kalsada.

Secretary Alan Peter Cayetano Sir, muk­hang panay lang ang biyahe ninyo, aba solusyonan po ninyo ‘yang napapantot na problema sa DFA.

READ MORE:  OFW natagpuang patay sa Saudi hotel

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved