Monday , November 17 2025

Mission DAP to SAP nalantad para isalba si Noynoy

BUONG tapang na inilantad ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang mga ebidensiyang magdidiin kina dating Pangulong Benigno Aquino, mga dating opisyal nito at ilang aktibong senador na nakinabang sa maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP) at sa iba pang kasalanan sa bayan tulad ng kickback sa mga programa ng gobyerno.

Kabilang sa mga inilatag na ebidensiya ni Belgica para patunayan ang pagiging pabayang leader at corrupt ni PNoy ang pagkamatay ng SAF44 dahil sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano Maguindanao; paglalagay sa panganib sa buhay ng maraming bata sa Dengvaxia anti-dengue program na ginastusan ng bilyones; at pagkakamal ng pera ng administrasyon nito sa pamamagitan ng DAP at PDAF gayondin ang Yolanda victims fund at Senior Citizens funds.

Ayon kay Belgica, nangyari ang DAP magic sa loob lamang ng isang araw noong 12 Oktubre 2011 nang ipresenta ito sa Senado, nilagdaan ni PNoy at nailagay sa Department of Budget and Management (DBM) website at sa official gazette ng Malacañang.

Napakalinaw aniya, ng sabwatan ng dating pangulong si Noynoy, DBM Secretary Butch Abad, Senator Franklin Drilon, Senator Kiko Pangilinan, Senator Edgardo Angara, Senator Antonio Trillanes, Secretary Mar Roxas, Secretary Jun Abaya, at iba pa.

NAGSUMITE sa Department of Justice (DOJ) si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica kasama si Atty. Eduardo Bringas ng karagdagang ebidensiya kaugnay ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ilalim ng Aquino Administration laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, DBM Secretarry Butch Abad, Senator Franklin Drilon, Senator Kiko Pangilinan, Senator Edgardo Angara, Senator Antonio Trillanes, DILG Secretary Mar Roxas, Secretary Jun Abaya at iba pa. (BONG SON)

Binigyang-diin ni Belgica na makikita ang ebidensiya na sa apat na senador lamang ay mahigit P1-bilyon ang DAP sa pamamagitan ng senate transcript of record sa mga nakaraang senate hearing gayondin sa official press releases ng DBM.

Ito ang nakikita ni Belgica na tangkang pagtakpan ng grupo sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Senado kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go na malinaw na isang uri ng character assassination laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng paninira sa kanyang alter ego.

Giit ni Belgica, ti­nangka ng grupo na gawing muli ang ginawa nila kay dating Chief Justice Renato Corona na nagsabwatan para ma-impeach sa puwesto.

Tinawag ni Belgica ang paggalaw ng mga kalaban ng administrasyon na “mission jump from DAP to SAP (Bong Go).

Kombinsido si Belgica na kulong na lang ang kulang sa mga nasabing opisyal pero patuloy silang ipinagtatanggol ng tinatawag niyang isa pang corrupt na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …