Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carlo, iniingatan ang friendship kay Angelica
Carlo, iniingatan ang friendship kay Angelica

Carlo, iniingatan ang friendship kay Angelica

HINDI nasagot ng maayos ni Carlo Aquino  ang kanyang naging tweet sa personal Twitter  account niya nang matanong sa presscon ng inaabangang Meet Me In St. Gallen na mapapanood sa February 7 na pinagbibidahan niya at ni Bella Padilla.

“Ano lang… wala, ano lang…di ko alam!’Running thought lang,” anang binata.

READ MORE:  Bakit nga ba hindi binalikan ni Carlo si Angelica?

Sumingit naman si Bela at sinabi sa kanya, “Ganoon talaga. Parinig lahat sa social media.

“Post ka ng lyrics, para sa ex mo ‘yun, post ka ng ganoon…Post ka ng pagkain, gusto mo ng pagkain.”

READ MORE:  Mr. Fu, madalas daw manlait ng mga Kapuso artist

Na sinagot naman ni Carlo, “Ganoon ba ‘yun? Hindi kasi ako millennial, eh.”

Isang ngiti naman sabay sagot ng, “Ayaw ko naman isara ‘yung ganoong possibility”. At if ever na may chance na magkabalikan sila ni Angelica Panganiban.

READ MORE:  Angelica, gusto nang ‘makatiyak’ sa pag-ibig

Dagdag pa nito, “Pero sa ngayon, hindi pa kasi tsine-cherish ko ‘yung friendship namin.

“Okay kami as friends, nakakapagsabi ako sa kanya, natatawagan ko na siya. Okay kami ngayon, ganoon lang,” pagtatapos ni Carlo.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved