Thursday , August 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Clique 5, huhusgahan na sa Feb. 27
Clique 5, huhusgahan na sa Feb. 27

Clique 5, huhusgahan na sa Feb. 27

HUMAHATAW na ang Clique5 na binubuo ng nagguguwapuhang bagets at punompuno ng karisma. Huhusgahan na sila sa February 27 para sa kanilang major concert sa Music Museum. Abangan na lang kung sino ang kanilang mga special guest.

Ang Clique5 ay mina-manage ng 3:16 Events and Talent Management Company nina Len Carrillo at Kathy Obispo.

Pagkatapos i-release ang kanilang Christmas single na Tuwing Pasko, ilulunsad na rin ang kanilang self titled album with their five original songs. Ang carrier single ay Pwede Ba, TekaMuna na isinulat ni Direk Joven Tan. Nandiyan din ang Ako Na lang SanaBakit Hindi,  MagmulaNgayon, at Mabuti Na lang.

Tumanggap na rin ng award ang Clique5 sa Gawad Musika 2017 bilang Outstanding Boy Band para sa 37th Year Ender Top Consumers Choice Awards.

Ang miyembro ay binubuo nina Karl (Campus Heartthrob), Marco  (The Hunk), Sean (Kilabot ng Dance Floor), Josh (Cutie Bae), Clay (Soul Balladeer),Tim (Teen Crush), at Rocky (Boy Next Door).

“They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw, at umarte. Hindi limited ang kanilang talento,”pagmamalaki pa nina Len at Kathy.

TALBOG!
ni Roldan Castro

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top