Categories: Showbiz

Magdyowang director na sina Antoinette at Dan movie producers na rin (Peg sina Perci Intalan at Direk Jun Lana)

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

BEFORE ay sina Donna Villa at ang mister na si Direk Carlo J. Caparas ang sanib puwersa sa pagpo-produce ng movies sa ilalim ng kanilang Golden Lion Films na nakilala nang husto dahil sa mga ginawang massacare films na majority ay kumita sa takilya.

Pero noong namayapa si Tita Donna ay mukhang pahinga na muna si Direk Carlo lalo’t semplang ‘yung huling movie na ginawa nila.

Now, ang gay couple na sina Direk Jun Lana ang uso ngayon sa dami ng mga pelikulang ginagawa nila sa ilalim ng kanilang sariling movie outfit na The Idea First Company tulad ng kapapalabas pa lang na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na nakipagsosyo sila sa Star Cinema at Quantum Films at si Direk Jun ang director nito at ang “My Fairy Tail Love Story” na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na showing na sa cinemas nationwide ngayong Feb. 14, eksaktong araw ng mga puso.

Ang Regal Multimedia naman nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang co-producer dito ng mag-asawa at si Perci ang siyang nag-direk ng film. Naging mag-partner din noon ang ex-lovers na sina Bela Padilla at Niel Arce.

Ang latest na addition sa dumaraming listahan ng mga baguhang producers ay itong sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas. Ang mag-sweetheart ang producer para sa Viva Films ng JaDine movie nina James Reid at Nadine Lustre na “Never Not Love You” na recently lang ay nag-shoot sa London.

We heard, na hindi lang daw ito ang gagawin nina Direk Antoinette at Direk Dan meron pa silang ibang naka-line-up na projects.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Peter Ledesma

Published by
Peter Ledesma

Recent Posts

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction… Read More

2 hours ago

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid… Read More

13 hours ago

Miggs Cuaderno, espesyal ang natanggap na regalo

SA August 8 ang 16th birthday ni Miggs Cuaderno at maraming fans niya excited makita kung paano ito ipagdiriwang ng actor. May… Read More

13 hours ago

John may hugot — ‘Pag wala ka na palang pera at ‘di na sikat, isa-isa nang lumalayo ang mga kaibigan, kamag-anak

NAIKUWENTO ng may karamdamang actor na si John Regala ang nararamdamang kalungkutan. Nasabi ni John na kapag pala hindi ka na sikat at… Read More

13 hours ago

Tagasubaybay ni Coco, nagbunyi

PARA-PARAAN lang talaga ang buhay-showbiz. Kailangan gumawa ng paraan kapag may problemang napapasukan. Sino ang makapagsasabing ang inakala ng iba… Read More

13 hours ago

Elijah Alejo, na-excite sa muli nilang pagsasama ni Katrina Halili

BAGONG episodes muli ang mapapanood sa Sabado sa Wish Ko Lang! at Imbestigador.   Bibida sa programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sina Katrina Halili, Luis… Read More

13 hours ago