Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tetay, nagulat sa murang presyo at ganda ng Ever Bilena
Tetay, nagulat sa murang presyo at ganda ng Ever Bilena

Tetay, nagulat sa murang presyo at ganda ng Ever Bilena

SAMANTALA, bago tinanggap ni Kris bilang bagong ambassadress ng Ever Bilena ay nagpabili siya ng produkto nito na umabot sa halagang P12,000.

Sabi ni Kris, ”I think it’s so important to have a brand portfolio that encompasses everything, I think you want to be able to say na from A to E mayroon ako. For income levels mayroon ka but the great thing is that I am getting to do something that every one can afford and it’s shock me, because noong namili si Jack (Salvador) at si Rochelle (staff niya), I gave them 12,000 and I said, ‘bilhin n’yo lahat ng mabibili ninyo’ and then, ubos lahat kasi they went (SM Megamall) a week and a half after New Year sila nagpunta. So ubusan talaga, tapos ‘yung mga lipstick talaga, it blew my mind na nandoon siya sa price point na P159/P169. Parang sabi ko, ‘may ganoon pa (presyo), and then noong try ako, oh my gosh, ang saya!”

Kay Eugene Domingo unang narinig ni Kris ang Ever Bilena brand nang magkasabay silang mag-guest sa isang programa.

“Sabi ko sa kanya (Uge), ‘you look so fresh, ang ganda ng nasa cheeks mo!’ And then she (Uge) said, ‘ano ka ba P50 lang ‘yan.’ Na bumibili  si Uge ng box by box ng Ever Bilena na para sa cheeks niya.

“There must be something in Ever Bilena kaya nakahanap si Uge ng forever niya, kaya hahanap din ako,”tumatawang kuwento ng Reyna ng Online World at Social Media.

READ MORE:  Kris, tinanggap ang paghingi ng paumanhin ni James Deakin

Kaya naman noong mag-meeting na sila ng may-ari ng Ever Bilena na si Mr. Dioceldo Sy, President at CEO ay dala-dala ni Kris ang mga binili niyang produkto.

“Okay it was like, I think what impressed boss Deo when we first met, I brought the products that I like because (lahat ng ipinabili ni Kris) and I was super impressed right away with the pang-kilay. And for me pang kilay is life. I have that feeling that my face is incomplete if I have no kilay. And I think all Filipinas feel that way that you can leave the house with just powder but you cannot leave with no kilay, so when I tried your pang-kilay, oh my gosh. I shouldn’t say it but the (its’) the same quality with the pang-kilay that starts with an M (brand of make-up) that is imported cost P1,800 but this Ever Bilena cost P165,” say nito sa Q and A presscon.

READ MORE:  Tetay, Imbitado sa Red Carpet Premiere ng Crazy Rich Asians

Inamin din ni Kris na hindi siya basta-basta tumatanggap ng produktong ineendoso kung hindi niya ginagamit.

“Bumagay talaga (produkto), kaya before I met him (Mr. Dioceldo), I tested everything because I knew that there would be skeptic and they would say (ibang tao) na nagpabayad ka lang na hindi mo naman talaga ginagamit but I’m really a believer that you cannot maintain endorsing or being affiliated, actually this is my 39thendorsements, 40th on Monday (ngayong araw contract signing) and 41 and 42 are coming before my birthday (tawanan ang lahat).

“So, I don’t know if you would be able to have that if you don’t actually use the product. And if you don’t believe in the company,” pahayag nito.

At hindi lang iyon, pati ang estado ng kompanya ni Mr. Deo Sy ay inalam din niya.

READ MORE:  Bea, nagdidisenyo ng bag na ininenegosyo

“And I did my research because isa sa close friend ni boss Deo is a billionaire construction magnate na female friend ko rin and so I ask, ‘how much does he (Deo) earned a year? The sales of Ever Bilena and when she told me, I said, ay, I’m signing with them, I’m so sure na, this is it!”

Inspiring story ang narinig na kuwento ni Kris mula kay Mr. Sy kung paano nagsimula ang Ever Bilena na ang unang produktong ibinenta ay nail-polish sa halagang P5-6 pesos at ngayon ay umaabot na sa P35-40.

Na-shock naman si Kris noong malamang nagkakahalaga ng P8 noon ang lipstick na ngayon ay nasa P165-185.

At gustong-gusto rin nito ang, ”I like the liquid lipstick because it’s really glides on as in dry and it stays put.”

Diretsong tanong namin kay Kris kung puwede pa siyang gumamit ng ibang brand ng make-up tulad ng mga ginagamit niya rati?

“Yes the imported ones lang. no to local brands,” aniya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved