Friday , March 29 2024
DBM budget money

Relampagos ‘susi’ sa pork barrel scam (Pinababalik sa PH)

BUMALIK sa bansa at ikanta ang lahat ng nalalaman kaugnay sa pork barrel scam.

Ito ang panawagan ng Palasyo kay dating Budget Secretary Mario Relampagos na tinakasan ang mahigit 300 kasong may kaugnayan sa pork barrel scam matapos payagan ng anim sa pitong division ng Sandiganbayan na magtungo sa US noong nakaraang buwan.

“Well, kung ikaw ay inosente, bumalik ka at linawin mo ang iyong pangalan. Pero ang mga tumatakbo ay usually umaamin na sila ay guilty. Ikanta lang naman niya kung ano talaga ang nangyari doon sa nakaraang administrasyon, at titingnan naman natin kung mayroong mga pamamaraan na mabawasan ang kaniyang pananagutan.  Pero ngayon, flight is evidence of guilty,” ani Roque sa puganteng si Relampagos.

Kamakalawa, naglabas ng resolusyon ang Sandiganbayan na nag-utos sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Relampagos.

Inutusan din ng Sandiganbayan Seventh Division ang Ombudsman na simulan ang extradition proceedings laban kay Relampagos.

Matatandaan, pinahintulutan ng Sandiganbayan na magpunta sa US si Relampagos mula 2 Disyembre 2017 hanggang 1 Enero 2018 upang dumalo sa meeting ng The International Consortium on Governmental Financial Management at para dalawin ang kanyang anak na babae at tatlong apo.

Si Relampagos ang itinurong kasabawat nina pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles at iba pang akusado sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) anomalies.

ni ROSE NOVENARIO

Tumanggap ng P5-M
campaign funds
EBIDENSIYA VS
DRILON HAWAK
NI NAPOLES

MAAARING may hawak na ebidensiya si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles para patunayan ang alegasyong nagbigay siya kay Sen. Franklin Drilon ng P5-M campaign funds noong 2010 elections.

“Obviously, Janet Lim Napoles is the central figure in this scam. Let her speak, and I’m sure that in addition to what she has to say, she would have physical evidence to back up whatever it is that she alleges,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Roque, dapat papanagutin sa batas ang mga politikong nag­ka­mal sa pera ng bayan, alyado man o hindi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala aniyang ibang hinangad ang kasalukuyang administrasyon kundi mahanap ang katotohanan sa pork barrel scam.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

PICPA Foundation spearheads Green Project

PICPA Foundation spearheads Green Project

VISITORS will soon be seeing a greener Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) national …

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

Notoryus na wanted holdaper sa NCR, todas sa enkwentro sa Batangas!

NASAWI ang isang lalaki na tinaguriang kilabot na holdaper at akyat bahay na kabilang sa …

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *