Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Overseas Filipino Bank dapat maglingkod nang tama para puspusang tangkilikin
Overseas Filipino Bank dapat maglingkod nang tama para puspusang tangkilikin

Overseas Filipino Bank dapat maglingkod nang tama para puspusang tangkilikin

ISANG mabuting regalo ang Overseas Filipino Bank (OFB) para sa overseas Filipino workers (OFWs) ganoon din sa ekonomiya n gating bansa.

Dating Postal Bank ang OFB na minabuti ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na gawing banko ng OFWs.

Sa kasalukuyan, nagpapadala ang mga kababayan nating OFWs sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng banko, door-to-door o kaya ay sa iba’t ibang money remittance center.

READ MORE:  Masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan trip lang daw dahil bangag sa alak at ilegal na droga (Attn: Human rights advocates)

Lahat ito ay dapat na pumasok at dumaloy patungo sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng OFB.

Mangyayari lang ito kung maliit ang service fee na sisingilin ng OFB at kung sila ay isang banko na masasandalan ng mga OFW.

Pero kung mas mahal pa sila sa umiiral na presyo sa mga kasaluku­yang money remittance center, malamang mabigo si Pangulong Digong sa kanyang layunin na pagaanin ang buhay ng pamilya ng OFWs.

READ MORE:  Sandamakmak ang kuwarta ng Maute Gang

Mas makabubuti rin kung lahat ng transaksiyon ng OFWs ay sa OFB na idaan gaya ng pagbabayad ng insurance, matrikula, bayarin sa bahay (kung hinuhulugan pa), koryente, tubig at ganoon din kung kinakailangan nilang umutang kapag naglalakad ng kanilang mga kinakailangang dokumento.

READ MORE:  Petisyon ni Sen. Trillanes na ipatigil ang K-12 program dapat natin suportahan

Sana’y maging bago na nga ang mukha ng dating Postal Bank.

Maisakatuparan sana ang layunin na serbisyong totoo para sa mga OFW.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved