Categories: Showbiz

JaDine, pinalipad na sa London

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>

PINAPUNTA na ng Viva Films sina James Reid at Nadine Lustre sa London nitong weekend (either Saturday or Sunday) para magsyuting ng ilang eksena ng pelikula nilang Never Not Love You.

Ayon sa news.abs-cbn.com, nag-post sa Facebook ang Viva Artists Agency (VAA), ang kompanyang namamahala sa career nina James at Nadine, ng mga litrato ng dalawa, pati na ang mga tao na mai-involve sa syuting. Pero ang nakita lang naming litrato ay ‘yung kina James at Nadine. Sa Instagram ng VAA namin nakita ang larawan. Mukhang masaya naman ang mag-sweetheart.

Sa pagpapapunta sa kanila roon, ibig sabihin ay totoo ang iginiit ni Nadine kamakailan sa Tonight with Boy Abunda ng ABS-CBN na tuloy ang pelikula kahit na may nakanselang syuting dahil umano sa paglalasing ni James sa isang bar the night before the scheduled shooting day.

Ang pahayag naman ni Nadine kay Boy Abunda, siya—hindi si James— ang may kasalanan kung bakit nakansela ang syuting.

Naging problematic ang kalusugan n’ya. Nadiskubre na mayroon siyang  inverted cervical curve sa leeg n’ya at sa kanyang scoliosis.

“Super sakit siya,” sabi ni Nadine tungkol sa bahaging ‘yon ng kanyang katawan.

Walang binanggit sa report ng news.abs-cbn.com kung ilang araw mananatili sa London sina James at Nadine at kung kailan sila babalik sa Pilipinas.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Danny Vibas

Published by
Danny Vibas

Recent Posts

Medical frontliners pakinggan, tulungan, at ating sagipin sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kalusugan (Kung walang remedyo ang gobyerno)

PARA sa mga nagagalit o hindi maintindihan ang mga kababayan nating patuloy at walang takot na nagpapahayag ng kanilang kritisismo… Read More

7 mins ago

Medical frontliners pakinggan, tulungan, at ating sagipin sa pamamagitan ng pangangalaga sa ating kalusugan (Kung walang remedyo ang gobyerno)

PARA sa mga nagagalit o hindi maintindihan ang mga kababayan nating patuloy at walang takot na nagpapahayag ng kanilang kritisismo… Read More

13 mins ago

Sunog sanhi ng jumper at poste ng koryente naibsan sa Iloilo City (Bagong power utility pinuri)

MULA sa dalawa hanggang tatlong  insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter… Read More

16 mins ago

Mega web of corruption: Hirit kay Bong Go ng IBC-13 workers 34-taon kalbaryo tuldukan

ni ROSE NOVANARIO PINASIKAT ng administrasyong Duterte ang slogan na “No to Fake News” bilang pangontra sa umano’y mga pekeng… Read More

28 mins ago

Sibak o suspensiyon vs LGUs na mag-iipit ng cell tower work permits ng telcos (3-araw ultimatum ni Digong)

HANGGANG tatlong araw na lamang ang palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units (LGUs) upang aksiyonan ang construction… Read More

2 hours ago

Netizens at advertisers, nasabik; Kapamilya Online Live ng ABS-CBN, sinuportahan

LABIS ang pagkasabik ng netizens at advertisers sa paglulunsad ng ABS-CBN ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook matapos itong purihin bilang isang makabagong paraan ng paghahatid… Read More

13 hours ago