Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Grupong Vendetta ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tinutugis na sina Eddie, JohN, Jhong at Joko
Grupong Vendetta ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tinutugis na sina Eddie, JohN, Jhong at Joko

Grupong Vendetta ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano” tinutugis na sina Eddie, JohN, Jhong at Joko

 

Ngayong nakatakas na sa kamay ng mga kalabang nagpadukot sa kanya na sina Don Emilio (Eddie Garcia) at Sen. Mateo de Silva (Joko Diaz), nagtayo ng grupo si Cardo Dalisay (Coco Martin) kasama ang sanggang-dikit na pinuno ng Pulang Araw na si Leon (Lito Lapid) gayondin si Anton (Mark Lapid), Ramil (Michael de Mesa), Sancho Vito at iba pa na tinawag ni Cardo na Vendetta.

READ MORE:  Pangarap na bahay ni Janella, natupad na

At hindi lang sila palaban kundi wawalisin din nila ang ilegal na negosyong droga ng mga drug lord na sina Don Emilio at Sen. De Silva na namumuro na kay Cardo. At dahil kabadong-kabado at naaalarma na baka maunahan sila ni Cardo, para lumantad ay kanilang ipakikidnap ang misis na si Alyana (Yassi Pressman).

READ MORE:  Piolo at Lui, magsasama sa isang travel show

Yes napuno na ang salop kaya’t kakalusin na ng Vendetta ang mga salot, kawatan at traidor sa bayan na sina General Renato Hipolito (John Arcilla) na patuloy ang ginagawang panlilinlang sa publiko at tumatakbo pang senador tulad ni De Silva.

Target din ng grupo ang ahas sa Pulang Araw na si Alakdan (Jhong Hilario) at mga kasamahan nito na nagpapakasasa at nagpapakasarap sa pera ng bayan na kinukurakot ng kontak nilang si Hipolito.

READ MORE:  Alden at Maine, hinahabol pa rin ng advertisers kahit mataas ang TF

Wala nang atrasan, patay kung patay makamit lang ni Cardo ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na si Ricky Boy.

Patuloy na napapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida na nananatiling numero unong programa sa buong bansa sa latest rating na 45.9%

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved