Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Con-ass ng kamara iisnabin nga ba ng senado?
Con-ass ng kamara iisnabin nga ba ng senado?

Con-ass ng kamara iisnabin nga ba ng senado?

HINDI pa man ay nag-uumpisa na ang iringan sa pagitan ng Kamara at Senado dahil sa isyu ng pag-amiyenda sa Konstitusyon.

May kanya-kanya nang pahatiran ng mensahe ang mga mambabatas sa Kamara at sa Senado lalo sa hanay ng mga namumuno.

Nagbanta sina senators Franklin Drilon at Ping Lacson na kahit sinong senador ang dumalo sa Kamara para sa Constitutional Assembly o Con-Ass ay kanilang patatalsikin.

READ MORE:  Jueteng all the way sa Caloocan at Malabon for fund raising ba?!

Pero mabilis silang sinalag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na imposible raw iyon dahil duly elected official ang mga senador.

Hindi nga naman uubra ang mga pagbabantang patatalsikin.

Ang nangyayari tuloy hindi naililinaw sa mga mamamayan kung ano ang tunay na isyu. Mas kumikintal sa isip ng mamamayan ang iringan sa pagitan ng mga mambabatas.

READ MORE:  ‘Virtual Jueteng’ hahataw na sa Metro Manila (Attn: SILG Mar Roxas)

Sa panahon ngayon, mas mainam na maipaliwanag sa mamamayan kung bakit may Con-Ass lalo sa hanay ng kabataan.

Dapat mailinaw ito sa mga mamamayan para makita nila kung ano ang pros and cons kung bakit aamiyendahan ang Konstitusyon.

READ MORE:  Ilang media practitioners sinabi ni CabSec Jun Evasco na kumikita nang milyones sa oust Duterte movement

Mga kagalang-galang na mambabatas, puwede ba magpaliwanag muna sa mamamayan bago kayo magpagalingan?!

Huwag kayong magpalusot!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved