Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Airline & shipping fees dapat na rin ibalik para sa benepisyo ng BoC, BI at BoQ!
Airline & shipping fees dapat na rin ibalik para sa benepisyo ng BoC, BI at BoQ!

Airline & shipping fees dapat na rin ibalik para sa benepisyo ng BoC, BI at BoQ!

BALIK-NORMAL na raw ang takbo sa lahat ng mga sangay ng opisina maging sa mga paliparan, daungan at district offices ng BI matapos ipatupad ang 9-hour working time sa Bureau.

Makikitang bumalik na ang sigla ng lahat ng BI employees matapos ianunsiyo ni Commissioner Bong Morente na pinayagan ang paggamit ng ELF para ibalik ang kanilang OT.

Although hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan lamang ang itinakda para sa nasabing benepisyo, malaking bagay ito para pansamantalang maka-recover ang lahat sa ‘pinsala’ sa kanilang kabuhayan sa pagkawala ng kanilang dating sahod nitong nakaraang dalawang taon.

Sa ating palagay dapat din isulong nina Commissioners Morente, Ja­vier at Neri ang panibagong hakbang para muling ibalik ang airline and shipping fees na nawala sa ahensiya.

Hindi pa limot sa alaala ng BI, BoC at BoQ na kasama sila sa naapektohan noon matapos mag-issue ng memorandum si dating DILG secretary Mar posas ‘este Roxas para sa suspensiyon ng pagbabayad ng airlines and shipping fees para sa mga empleyado ng mga naturang ahensiya.

READ MORE:  Political rambol na sa Pasay City

Sa tulong din noon nina Department of Finance Cesar Putrisima ‘este Purisima at DOJ Secretary Leila De Saba ‘este De Lima, tuluyang ipinatigil noong panahon ni PNoy ang pagbibigay ng naturang benepisyo.

Kung nagawa nga nina SOJ Vitaliano Aguirre at ng BI Commissioners na pigilin ang panibagong veto ni Digong sa ilang provisions ng 2018 General Appropriations Act bakit hindi ang simpleng memorandum?

Kung sakali man na matapos ang 2018 at hindi pa maamyendahan ang isinusulong na bagong immigration bill, malaking tulong ang makukuhang airlines and shipping fees para punuan ang mawawala na namang bayad sa overtime.

Tama o mali?!

Kaya para sa atin, hindi dapat magpatumpik-tumpik ang mga concerned BI officials maging sina BUKLOD prexy Atty. Greg Sadiasa at IOAP President ER German Robin.

READ MORE:  Pamilya ng tatlong tauhan na natabunan pinabayaan ni Mr. Pobre?! (Sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City Illegal gold mining)

Napakabilis ng araw, gaano lang ang halos 11 buwan. Napakaikli ng panahon tapos magu­gulat na lang tayo Disyembre na naman. Baka kung kailan gahol na sa panahon ay saka lang sila mag-aaligaga na solusyonan ang problema.

Move fast before it’s too late again, mga bos­sing!

WHY BACK
TO CLARK??

OMG!

Balik-Clark pala ang isang dating immigration official diyan sa isang BI Field Office sa Pampanga.

Marami raw ang na-SHOCK kung bakit doon pa rin dinala ang nasabing opisyal na nasa Counter Terrorist Unit ngayon ng Bureau.

Hindi ba’t noon ay marami ang nagrereklamo dahil sa kakaibang arrive ng nasabing opis-yal?

At hindi ba sa panahon niya, dumami ang mga illegal Chinese workers sa mga online ga­ming casino?

Mabuti nga raw at nakapuwesto muli ang dating opisyal gayong siya ang napag-iisipang nagpakalat ng isang “white paper” noon na nagpakaso sa ilang opisyal at empleyado ng Bureau sa Office of the Ombudsman.

READ MORE:  Pension hike ‘wag nang ipagkait

Although hindi naman nag-prosper pero malakas ang ugong-ugong na isa siya sa mga naging author ng nasabing pambubulabog!?

Pero may mga nagtatanong kung ano raw ba ang totoong designation ngayon ng dating immigration officer, na muling nagbabalik sa kanyang minamahal na lugar?

Bakit sa Clark pa?

Kasi puwede naman siya sa ibang areas na magagamit ang kanyang skills ‘kuno’ sa anti-terrorism.

Gaya ng border crossing stations na mas dinaraanan ng mga terorista gaya ng Maute!

O ba’t ‘di na lang sa Marawi kaya?

Susmaryosep!

Baka kasi imbes maging anti-terrorist sa mga foreign nationals gaya ng ISIS e maging Anti-Koreano ang gawin niya sa Clark!

Ano sa palagay mo Mr. Lambino!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved