Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Palasyo umalma sa bintang ng Rappler
Palasyo umalma sa bintang ng Rappler

Palasyo umalma sa bintang ng Rappler

UMALMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pag­ka­kataon, tinawagan siya sa telepono kamakalawa ng gabi ng Pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa desisyon ng SEC.

READ MORE:  5 patay, 10 kritikal, 100 sugatan sa bumagsak na bunkhouse (Sa construction site)

Iginiit ni Roque, na “no one is above the law” dahil malinaw sa isinasaad ng batas na dapat ay 100 porsiyentong pag-aari ng Filipino at hindi ng isang dayuhan ang isang media entity.

READ MORE:  65-anyos Inday utas sa hambalos ng live-in (Tumangging sumalo sa pagkain)

Sabi aniya ng Pangulo, unfair ang pahayag ni Ressa.

Desmayado aniya ang Pangulo dahil panay ang batikos ng Rappler sa mga indibiduwal na lumalabag sa Konstitusyon gayong sila mismo ay lumalabag din sa Saligang Batas.

READ MORE:  22 katao nalason sa karne ng aso

Hindi rin aniya pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng SEC dahil kung tutuusin ay pinapayagan pa ng Malacañang na makapag-cover ang kanilang reporter na nakatalaga sa Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved