Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JC, aminadong kuripot dahil ayaw nang maghirap
JC, aminadong kuripot dahil ayaw nang maghirap

JC, aminadong kuripot dahil ayaw nang maghirap

EMOSYONAL si JC Santos nang kumustahin ni Boy Abunda ang kapatid nito.

Sa guesting ng aktor sa Tonight With Boy Abunda, aminado ang aktor na nagiging emosyonal siya kapag pinag-uusapan ang kanyang kapatid.

“My greatest dream eh makatapos siya,” aniya. “Ang buhay namin noon eh palipat-lipat ng bahay. OFW ang parents namin. I missed her everytime ba pinu-pursue ko ang pangarap ko rito sa Maynila.”

Pagbabalita pa ng isa sa bida ng Mr & Mrs Cruz na handog ng Viva Films at The Idea First Company, na nakapagpatayo na siya ng bahay sa Pampanga. “Kasi nga po lagi kaming nakikitira. Ngayon masaya na ako kasi malapit na ring gumradweyt ang kapatid ko,” masayang paglalahad pa ng aktor.

READ MORE:  Sagot na nagpanalo kay Miss France
READ MORE:  Mga anak ni Nora, kailan matatauhan?

Nabuking ding medyo may pagkakuripot si JC at talagang nagse-save siya. Pero hindi niya iyon ikinahihiya dahil aniya, “Para ‘pag naghirap ako uli, ayokong dumating sa part na magugutom uli ako.”

Si JC ang namamahala ng kanyang pera at pinagsisipagan niya talaga. “Kuripot ako at wala akong bisyo o luho.”

Palabas na sa January 24 ang Mr & Mrs Cruz na bida rin si Ryza Cenon.

READ MORE:  Shocked ang mga avid followers ni Ate Vi!

SHOWBIZ KONEK
n Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved