Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JaDine, magkakanya-kanya na
JaDine, magkakanya-kanya na

JaDine, magkakanya-kanya na

GRABE ang paghahandang ginagawa nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang nalalapit na konsiyerto,  ang Revolution The JaDine Concert sa February 9, Smart Araneta Coliseum, directed by Paul Basinillo with Dance Director Teacher Georcelle, at sa musical direction ni Jay Agustin.

Tsika ni Nadine, “Mayroon po kaming times na solo spot. And of course marami rin po kaming mga guest.”

At sa balita na after the concert ay magkakanya-kanya muna silang proyekto ni James, sinabi ni Nadine na, “We grew so much together as a love team and a couple na rin po and then we also need to grow ng kami lang na sarili namin, na hindi kami magkasama as a person and as an artist din as well.”

Ilan sa mga solo project na gagawin ni Nadine ay ang romcom na Ulan at ang suspense-thriller na Nurse. This year din naman gagawin ng dalawa ang kanilang reunion movie na  Ne­ver Not Love You.

Ang magiging espesyal na panauhin ng JaDine sa kanilang konsiyerto ay sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson, at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

READ MORE:  Kilalang directors, gustong makatrabaho ni Juday
READ MORE:  Kasalang Dingdong at Marian, imposibleng maging intimate at private

READ MORE:  Maraming salamat sa mga naging bahagi ng Star Awards for TV and Music

Para sa lahat ng JaDine fans, maaari kayong makabili ng ticket para sa Revolution The JaDine Concert sa Ticketnet (911-5555) o sa Viva Live (687-7236).

Jadine James Reid Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved