Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Giit ni Robin: Hindi ko inaway si Jiwan
Giit ni Robin: Hindi ko inaway si Jiwan

Giit ni Robin: Hindi ko inaway si Jiwan

ANG tatlo sa pinakabigating bituin sa bansa na sina Robin Padilla, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria ay magsasama-sama sa unang pagkakataon sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN 2 na Sana Dalawa ang Puso.

Tinanong sina Richard at Jodi sa presscon ng serye, kung ano ang na-miss nila sa isa’t isa dahil matagal silang hindi nagsama sa isangs serye. Ang huling drama series na ginawa nila ay ‘yung Be Careful With My Heart na ipinalabas five years ago.

Sabi ni Richard, “Well for me, ‘yung palagi kaming nagkukuwentuhan, nagtatawanan. Noong umpisa kasi ng ‘Be Careful’,palagi kaming kumakain together, ayun ‘yung na-miss din namin. Kaya lang, masyado kaming tumaba noon. Nagsabay din kaming nag-diet. ‘Yun ang mga nami-miss ko sa pagsasama namin. So, now we’re back to that.”

“Si Richard kasi ‘yung hitsura niya, mukha lang siyang seryoso. Pero sa totoong buhay, sobrang kalog niya. Marami kaming things na ginagawa together before, ‘yun nga, sabay kaming kumakain. Tapos, ‘pag sabay kaming tumaba, pagpaplanuhan na namin kung anong gagawin naming diet. Nagsusuportahan kami sa isa’t isa na sabay kaming mag-diet. And siyempre, sa two years naman, nabuo talaga ‘yung friendship sa amin ni Richard. And right after naman ‘Be Careful With My Heart,’ mayroon kaming proyekto na dumating agad. And It’s always a joy working with him,” sabi naman ni Jodi.

READ MORE:  Maynila, sentro ng sining — Bagatsing

Tinanong naman si Robin kung ano ang nadiskubre niya kina Richard at at Jodi na ngayon niya lang nakasama sa isang proyekto.

“Totoo po ‘yung sinabi ni Ms. Jodi. Noong una, akala ko napakaseryosong tao ni Mr. Richard Yap. Pero ano rin po ito, eh, kaparehas ko rin ito, kabalyerong itim din po. Mas mabait lang po sa akin. Pero pareho kami nitong retired champion. Si Ms. Jodi naman hanggang ngayon, pasyente pa rin niya ako. Katulad kanina, nag-therapy kami ulit.  Totoo po ‘yung aking paggalang kayMs. Jodi dahil napakalalim niyang tao. Kahit anong topic puwede ka niyang ma-advice-an.

READ MORE:  PNoy, bumaba ang rating dahil kay Nora

“Sa pagiging artista naman, hindi ko maramdaman na siya ‘yung superstar ngayon. Kasi kapag lumalapit ako sa kanya, sinasabi ko ‘Mag-reading naman tayo, tulungan mo naman ako.’ Hindi ako nagdadalawang salita, tinutulungan naman niya ako.”

Samantala, nagbigay ng pahayag si Robin, tungkol sa ginawa niyang pagsermon sa isang contestant ng Pilipinas Got Talent (PGT) na si Jiwan Kim, na isang Korean, dahil hindi ito marunong mag-Tagalog. Ang sermon ni Robin kay Jiwan, matuto muna itong magsalita ng Tagalog kung nais nitong makipag-cooperate. Hindi siya papayag na mag-adjust ang lahat ng hurado para sa isang banyagang hindi marunong mag-Tagalog sa kabila ng sampung taon na itong paninirahan sa Pilipinas.

Ayon kay Robin, wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niyang pagsermon kay Jiwan kahit pa binatikos siya ng netizens sa ginawa niyang ‘yun.

“Wala akong pinagsisisihan kasi, ako, pumupunta rin ako sa ibang bansa at ‘pag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung ano ‘yung salita roon kasi bisita ka roon, eh. Ikaw ang makikibagay.  Kung pupunta ka sa Pilipinas at uutusan mo kami at i-Inglisin mo kami sa banyagang pananalita, eh, baka nagkakamali ka, kasi bayan ko ‘to. Bayan ko ‘to at handa akong mamatay anytime para sa bayan ko,” sabi ni Robin.

READ MORE:  Michael Pangilinan, inamin ang sex video scandal!

Patuloy niya, “Kaya kung sasabihin mo sa ‘kin na sampung taon ka na dito at hindi ka pa rin marunong mag-Tagalog, may problema ka. Hindi mo puwedeng sabihin sa akin mahal mo ang Pilipinas. Sabi niya (Jiwan Kim) mahal niya ang Pilipinas, may girlfriend siyang Pilipina, pero hindi siya marunong mag-Tagalog?”  

Nilinaw din ni Robin na hindi niya inaway si Jiwan, “Hindi ko naman siya inaway. Sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya, ‘Ako, para akong tatay mo, tandaan mo ‘yan.’”

Pakaaabangan ang nalalapit na pagsisimula ng Sana Dalawa angPuso sa ABS-CBN 2.

(ROMMEL PLACENTE)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved