Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female singer, mahilig sa mga layered cake
Female singer, mahilig sa mga layered cake

Female singer, mahilig sa mga layered cake

NAKAAALIW ang kuwento tungkol sa isang female singer na ito na mula sa angkan ng showbiz.

Sa tuwing nagge-guest kasi ang hitad lalong-lalo na sa mga programang nagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay hindi maaaring hindi niya pagdidiskitahan ang mga bigay na layered cake.

Ayon sa aming source, “’Di ba, ‘yung mga ganoong cake naman, hitsura ng dekorasyon lang? Hindi mo naman makain ‘yung pagkatigas-tigas na layer dahil nasa pinakaloob ‘yung mismong tinapay.”

Pero petmalu ang singer na kesehodang matigas at hindi naman talaga nilalafang ang mga layer ng cake, “Naku, sige siya sa kakukurot niyong  matigas na cake na ‘yon. At take note, pati daliri niyang pinangkurot doon sa cake, eh, dinidilaan pa niya! Ano ‘yon, feeling niya, icing ‘yung nilalantakan niya?”

Da who ang babaeng mang-aawit na walang patawad sa pangdispley lang namang cake at wiz talaga fit for human consumption? Itago na lang natin siya sa alyas na Genevieve Cursillo.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved