Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagtatapos ng Pusong Ligaw, nakakuha pa ng mataas na rating
Pagtatapos ng Pusong Ligaw, nakakuha pa ng mataas na rating

Pagtatapos ng Pusong Ligaw, nakakuha pa ng mataas na rating

NAGSASAYA ang buong cast and crew ng katatapos na seryeng Pusong Ligaw noong Biyernes, Enero 12 dahil nakakuha pa rin sila ng 22% kompara sa katapat na programa ng GMA 7 na 14.9% base sa Kantar National TV ratings.

Inabot kasi ng Biyernes bago magtanghali natapos ang taping ng finale episode ng Pusong Ligaw at sabay takbo sa editing para umere naman pagkatapos ng It’s Showtime.

Ang ibang cast ng PL ay may ibang ginagawa rin bukod sa serye kaya lagare sila tulad nina Diego Loyzaga at Sofia Andres na sume-segue sa shooting ng Mama’s Girl handog ng Regal Films na palabas na bukas mula sa direksiyon ni Connie Macatuno.

READ MORE:  Sexy actor, naghahanap na naman ng ‘sideline’ (‘di na kasi masustentuhan ni misis)

At dahil maganda ang samahan ng cast ng PL ay may mga bagong project kaagad sila.

pusong ligaw

Say ng taga-production sa amin, “sa totoo lang po, gusto ulit naming makatrabaho ang ‘Pusong Ligaw’ stars kasi hindi sila naging pasaway, walang sumakit ang ulo sa amin. Lahat sila professional kaya isa rin sa dahilan kaya nagtagal ang show kasi maganda ang samahan ng lahat, well siyempre kasama na ang mataas na ratings.”

Hmm, napapa-isip kami na kapag walang masyadong offer o hindi nasundan kaagad ang huling project ng isang artista ibig sabihin hindi siya type katrabaho?

READ MORE:  Pagsasama nina Kris at ng AlDub, pinalagan

Ganito rin kaya ang nangyayari sa mga artistang hindi nagtatagal sa isang programa na pinapatay kaagad ang karakter dahil naging pasaway?

READ MORE:  Tetay, tinanggap ang movie with Herbert para magkaroon ng closure

“Hindi naman sa ganoon, baka lang kasi may conflict sa work kaya hindi nagtatagal sa isang show o baka naman ini-request din mismo ng artista na sandali lang siya kasi may iba siyang gagawin, kaya nga may tinatawag na cameo role,” paliwanag sa amin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved