Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Ensayo ng Gilas patuloy
Ensayo ng Gilas patuloy

Ensayo ng Gilas patuloy

WALANG balak magpreno ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito sa ikalawang window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa pagpapatuloy ng ensayo sa Meralco Gym sa Pasig City.

Inaasahang makokompleto ang Gilas Pilipinas ngayon matapos kulangin sa unang araw ng pagbabalik ensayo noong nakaraang linggo.

Hindi nakadalo sina Calvin Abueva, Raymond Almazan at June Mar Fajardo sa unang pagsasanay ng Gilas ngayong taon bunsod ng mga iniindang sakit at personal na dahilan.

READ MORE:  Mente pumanaw na, PBA nakisimpatya

Ngunit ngayon ay inaabangan na ang kanilang pagbabalik upang samahan sina Jayson Castro, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Allein Maliksi, Kiefer Ravena, Kevin Alas, Matthew Wright, RR Pogoy, Mac Belo, Carl Bryan Cruz, Troy Rosario at Jio Jalalon.

READ MORE:  San Beda vs Arellano

Kasalukuyang nakaupo sa tuktok ng Group B ng Asian Qualifiers ang Filipinas kasalo ang Australia na kapwa may 2-0 kartada.

Magugunitang sa unang window ng Qualifiers ay umiskor ng malalaking panalo ang Gilas kontra Japan na ginanap sa Tokyo, 77-71 at Chinese Taipei na ginanap naman sa Smart Araneta Coliseum.

READ MORE:  NBA pre-season sa Asya tuloy pa rin

Dadayuhin ng Gilas ang Australia sa Margaret Court Arena sa Melbourne sa 22 Pebrero bago salubungin ang bisitang Japan sa 25 Pebrero sa Mall of Asia Arena. (JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved