Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Husay sa drama nina Sylvia, Arjo at Yves sa “Hanggang Saan” hindi pinalampas ng TV viewers at humamig ng 600K views sa FB

Husay sa drama nina Sylvia, Arjo at Yves sa “Hanggang Saan” hindi pinalampas ng TV viewers at humamig ng 600K views sa FB

BUMAHA ang luha ng mga manonood sa episode ng Hanggang Saan noong January 12 (Friday) sa eksenang gustong itakas ni Domeng (Yves Flores) ang kanyang nanay Sonya (Sylvia Sanchez) na buo na ang desisyon na susuko sa kaibigang pulis na si Jojo (Rommel Padilla) at aamining siya ang pumatay sa negosyanteng si Edward Lamoste (Eric Quizon).

READ MORE:  Christine Feliciano, gustong makapareha si Paul Salas!

Maraming napabilib si Yves sa tagpong ‘yung habang sa harap ng kuyang si Paco (Arjo Atayde) ay pinipigilan niya ang ina na huwag sumuko at tatakas sila.

Sa tindi ng eksena ay nag-breakdown si Sylvia at sobrang husay ng performance ng actress, na tuloy-tuloy ang agos ng luha habang nakakapit ang anak na si Yves habang pinoposasan at isinakay sa mobile car.

READ MORE:  Ai Ai, inatake ng asthma kaya biglang naisugod sa ospital

Agad nag-trending ang nasabing episode. Bukod sa umani ng papuri sa netizens ay umabot sa 11K likes ang video clip nito sa official facebook ng Hanggang Saan at 1.1 K shares at almost 600K na ang views. Pataas nang pataas rin ang ratings nito.

READ MORE:  Kris, ipinagtanggol si Lovi laban kay Direk Erik

Napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang Hanggang Saan pagkatapos ng “Asintado” sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN2.

VONGGANG CHIKA!
Peter S. Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved