Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagsasama nina Ate Vi at Nora, ‘di totoo
Pagsasama nina Ate Vi at Nora, ‘di totoo

Pagsasama nina Ate Vi at Nora, ‘di totoo

BALI-BALITA na ang pagsa­samang muli sa pelikula nina Vilma Santos at Nora Aunor.

Iba-iba ang naging reaksiyon dito ng mga tao. Marami ang natuwa kaysa hindi.

Ayon kay Ate Vi, ”Nope!! Wala pa akong nakakausap plus ‘got really very busy ng November/December!!! Now pa lang ako naka-break nitong holidays.”

Sa naging pahayag ni Ate Vi mukhang walang katotohanan ang kumakalat na balitang magsasama sila ni Ate Guy sa pelikula.

READ MORE: 

‘Yun na!

SYLVIA,
PINAGDUDAHAN
ANG KAKAYAHAN

PASASALAMAT ang gustong ipahatid ni Sylvia Sanchez kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula. Ito ay ipinahayag ni Ibyang sa presscon ng Mama’s Girl na ipalalabas sa mga sinehan simula sa January 17.

Inamin ni Sylvia na marami ang namba-bash sa kanya na pinagdudahan ang kakayahan niya sa pag-arte. Pero imbes mapikon, naging challenge ito para galingan o patunayan na mali sila.

READ MORE:  Parehong taga-dakota mansion pero...

Maraming pinagdaanan si Sylvia pero nalagpasan niyang lahat ito. Ngayon ay isa na siyang artista na de-kalidad at hindi matatawaran.

Makakasama ni Sylvia sa Mama’s Girl sina Sofia Andres, Diego Loyzaga at iba pa.

NADINE AT JAMES,
MAY PASABOG
SA KANILANG 2ND 
ANNIVERSARY

SA FEBRUARY 12 ay second year na nina James Reid at Nadine Lustre bilang couple. At sa Revolution concert nila sa February 9 sa Smart Araneta Coliseum ay may pasabog ang dalawa.

READ MORE:  Marjorie, itinuring nang patay ni Claudine (Barretto sisters, nagpatutsadahan na naman!)

Kung ano ang pagsabog na iyon, ‘yun ang dapat abangan ani Nadine.

Bukod sa concert, may ginagawa ring movie sina James at Nadine na ididirehe ni Antoinette Jadaone plus ang maraming endorsements.

 MATABIL ni
John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved