Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / OFWs sa Middle East biktima ng bank fraud

OFWs sa Middle East biktima ng bank fraud

MAY ilang overseas Filipino workers sa Middle East ang sinasabing nawalan din ng pera makaraan maging biktima ng hindi awtorisadong withdrawals sa kanilang accounts sa isang banko sa Filipinas.

Ayon sa isang OFW na si Ruby Ann Tayson, nanlumo siya nang madiskobre niyang may nag-withdraw ng pera niya sa kanyang Kabayan Savings Account sa BDO habang hawak niya ang kanyang passbook at ATM sa Kuwait.

“P32,200 lahat ang nawala, tatlong beses nag-withdraw sa Mandaluyong as per customer service. Nalaman ko noong August 22, noong na-try ko nang buksan iyong BDO Online. ‘Yung sa application na dinownload ko. Nawala (siya) noong August 22 pero ‘yung withdrawal (niya) parang August 19,” sabi ni Tayson.

READ MORE:  P100-M DAP funds hindi ninakaw — Lacierda (Pondong ginamit sa ICC )

Sa Riyadh, Saudi Arabia, kabilang si Arnel Ragel sa mga Filipino na nawalan ng pera dahil sa unauthorized withdrawal sa kanyang BDO Kabayan account.

Nadiskobre ni Ragel ang pagkawala ng kanyang pera nang maglilipat sana siya ng pera para sa pang New Year ng kanyang pamilya.

“Nawala sa account ko P10,788.57. Maliit na halaga lang (siya) kompara sa ibang biktima na malaking halaga ang nawala sa kanila. Pero ang isyu rito, ‘yung sinakripisyo mo para makapag-savings ka, ‘yung hirap at pagod para makaipon lang,” himutok ni Ragel.

READ MORE:  HP toners sa Immigration niraraket

Ilang pamilya ng mga OFW rin ang naging biktima ng unauthorized withdrawal tulad ni Mitzi Menette Dy na nawalan ng P20,000 padala ng kanyang asawang si Makoy na nagtatrabaho sa Oman.

“November 8 ko po (siya) nadiskobre pero ang transaction po November 6. Kailangang-kailangan din po namin ng pera. Kailangan po sa panggatas ng babies ko,” sabi ni Dy.

Sina Tayson, Ragel at Dy ay ilan lamang sa mga naging biktima ng unauthorized withdrawals.

READ MORE:  2 binatilyo itinumba sa Makati

Sinubukan nina Tayson, Ragel at Dy na tumawag sa BDO Hotline, ngunit hirap umano silang makakontak.

Ayon sa BDO management, iniimbestigahan na nila ang pangyayaring ito. Maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nakatutok na rin.

“Ang panawagan ko sa BDO, nagmamakaawa po kami, lalo na po kaming mga OFW na nawalan ng pera sa account namin, isang agaran at saka mabilisang aksiyon lang po,” hikayat ni Tayson.

Habang hiling ni Ragel na sana ay maibalik pa ang nawalang pera sa kanila.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved