Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Traslacion ng Nazareno umabot ng 22-oras

Traslacion ng Nazareno umabot ng 22-oras

NAIBALIK na ang andas ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church dakong 3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkoles, ma­kalipas ang 22-oras ma­karaan magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand nitong Martes ng madaling-araw.

Halos 2.5 milyong deboto ang sumabay sa 6.9-kilometer procession na nagsimula pasado 5:00 am nitong Martes mula sa Quirino Grandstand, at umabot ng 6.3 mil-yon nang makarating sa Quiapo Church kahapon ng madaling-araw, ayon sa pagtataya ng pulisya.

READ MORE:  Psychology student tumalon mula 4/F ng hotel, patay (Bumagsak sa licensure exam)

Ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nagsagawa rin ng sarili nilang religious ce-lebration, at daan-daang mga Katoliko ang nagsagawa ng kanilang prusis-yon sa kanilang rehiyon.

READ MORE:  Trabaho, mataas na kita sa bansa kailangan — Angara (Para pigilan ang pangingibang bansa)

Ang mga deboto sa Plaza Miranda na naghintay sa Itim na Nazareno ay itinaas ang kanilang mga kamay at umawit habang paparating ang imahe.

MAKARAAN ang 22-oras naibalik sa Quiapo Church ang Poong Nazareno kahapon ng madaling-araw. (ALEX MENDOZA)

Ayon sa Philippine Red Cross, umaabot sa 1,000 deboto ang sumama ang pakiramdam at nasugatan habang isinasagawa ang prusisyon, ang kanilang nilapatan ng lunas.

READ MORE:  Espinosa killing ipinabubusisi ng Palasyo

Mahigit 4,000 pulis at sundalo ang idineploy upang matiyak na ma-ging payapa ang prusis-yon, ayon kay NCRPO chief  Oscar Albayalde.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved