Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nonette Lim happily married sa isang administrator ng hospital sa New York City (Beauty and lifetsyle columnist & Shenyung Ball Queen)

Nonette Lim happily married sa isang administrator ng hospital sa New York City (Beauty and lifetsyle columnist & Shenyung Ball Queen)

NAGING popular ang pangalan ng businesswoman na si Nonette Lim noong 80s dahil sa kanyang negosyong Shenyung Ball na nagpatangkad sa ilang kilalang celebrity.

Kaliwa’t kanan ang TV interviews noon kay Nonette sa malalaking TV network at bawat event na puntahan niya ay dinudumog siya ng mga reporter. Dahil sa katanyagan, kaya bukod sa naging Darling of the Press ang friend naming personality ay naging columnist siya sa ilang magazines and tabloids para sa column niyang Beauty and Lifestyle at naging broadcaster din sa matagal na panahon at nakasama ang Queen of Intrigues na si Inday Badiday sa DZMM.

READ MORE:  ER at KC, may kakaibang chacha at tango sa Boy Golden

Sa ngayon nang aming maka-chat si Nonette sa Facebook ay naikuwento niya na happily married na siya kay Noel Navarro, isang administrator sa kilalang hospital sa New York City.

READ MORE:  Poging male star, lalaki ang hanap

Nagsimula raw sa FB ang kanilang love story ni Noel, na nagpa-add sa kanya bilang friend na noong una ay clueless siya kung sino. ‘Yun pala nag-aral din sa Notre Dame na tulad niya kaya hayun tinanggap niya.

Pagkatapos ay sinimulan na siyang ligawan nito hanggang mag-propose ng kasal alay ang ilang karat ng diamond. Ikinasal daw sila sa civil ceremony ni Noel last May na dinaluhan ng pamilya at kaibigan. Ngayong May 2018 ay inalok daw siya ng mabait at supportive niyang husband ng kasal sa simbahan.

READ MORE:  Gov Vilma Santos pinalabas na bobita, Boy Abunda biktima rin ng bashing tinawag na balimbing at sipsip sa gobyerno (Over acting na mga netizen!)

“Sobrang bait niyang asawa, at dumating siya sa panahon na madilim ang mundo ko na binigyan niya ng liwanag,” pagmamalaki ni Nonette sa kanyang generous na partner in life.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved