Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derek Ramsay, bongga ang 2017, aarangkada pa ngayong 2018!

Derek Ramsay, bongga ang 2017, aarangkada pa ngayong 2018!

MASAYANG-MASAYA si Derek Ramsay dahil napakaganda ng pagtatapos ng taong 2017. Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival dahil sa napakaganda niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado, ang All Of You mula Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions, at Planet Media.

Kung ating matatandaan, hindi ito ang unang tropeong nakuha ni Derek sa MMFF. Una siyang ginawaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na English Only, Please.

Tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.

READ MORE:  Miss Columbia, biktima ng ‘laban o bawi’

Last year din naayos ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN kaya naman dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino na ididirehe ni Ruel Bayani.

READ MORE:  Trops ng GMA, pinadapa agad ng Ikaw Lang ang Iibigin

Bukod dito, magsasama rin silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

READ MORE:  Walang kuwentang writer!

At bilang endorser, umeere na ang bagong TV commercial niya ng Dunkin’ Donuts.

Hindi lang competent actor si Derek kundi box office attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved